Sabi ni Oprah Winfrey, paniwalaan mo ang mga tao sa sinasabi nila tungkol sa kanilang sarili. Kaya sa sinabi ng Pangulong siya ay diktador, pinaniniwalaan natin ito.
Bukod pa dyan, kapag sinabi niya, ginagawa niya, tulad ng makailang beses na sinabi niyang gusto niya ng batas militar bago niya tuluyang ginawa ito sa Mindanao, ang pagbabanta sa media, ang pagpapakulong kay Senator Leila de Lima, at ang pagpapatahimik sa lahat ng tutol sa kanya.
Lahat ito ay masasamang pahiwatig ng paparating. Pananakot at pagkontrol ng impormasyon ay mga paraan ng panggigipit sa mamamayan.
Naranasan na nating mga Pilipino ang diktadura. Ayaw natin ito. Dahil alam nating dulot nito’y malawakang pagnanakaw at pagsupil sa ating mga batayang karapatan.
**
Oprah Winfrey says, believe people when they describe themselves. That’s why when the President says he’s a dictator, we believe him.
Apart from that, he does what he says, like the numerous times he said he wanted to impose martial law long before he actually did so in Mindanao, his threats against media, his jailing of Senator Leila de Lima, and the silencing of those who disagree with him.
All these are portent of worse things to come. Fear and control of information are ways to keep people in a tight grip.
We Filipinos have lived under a dictatorship. We don’t want it. Because we know it leads only to widespread plunder and the restriction of our basic rights.