END IMPUNITY: STOP THE KILLINGS!

Mariing kinokondena ng Liberal Youth ang marahas at walang-awang pagpatay ni Parañaque Police Senior Master Sgt. Jonnel Montanes Nuezca kay Sonya at Frank Gregorio.

Ito ay isang ehemplo ng paulit-ulit na paglabag ng PNP sa karapatang-pantao gamit ang kapangyarihan sa maling paraan. Ang PNP ang dapat na nagtatanggol sa taumbayan pero sila mismo ang gumamit ng dahas sa kanilang pinaglilingkuran. 

Kinakailangan ng mas masusi at balanseng pag-iimbestiga sa insidente upang masiguro na makakamit ang hustisya.

Lubos na nakikiramay ang Liberal Youth sa pamilya ng dalawang biktima.

#StopTheKillingsPH

#JusticeforSonyaGregorio 

#JUSTICEFORFRANKGREGORIO
#EndPoliceBrutality

##

Contact person: 
Paul Barranco
LY Spokesperson
09386647166
[email protected]