LP president Sen. Kiko recalls people’s courage in 1978 Interim Batasan Pambansa election

The upcoming May 13, 2019 elections are as crucial to the country and the future as the April 7, 1978 Interim Batasan Pambansa election then, said Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, Liberal Party president, Sunday.

“Ang kwento ng mga nakakatanda sa partido, noong nag-uumpisa silang mangampanya, kokonti lang ang mga pumupunta sa mga rally nila dahil natatakot, hanggang parami ng parami na. Tandaan na panahon ito ng diktadura,” he said.

“Noong bisperas ng eleksyon, nagkaroon ng noise barrage, ang daming taong lumahok. Nagbubusina ng kotse, nagkakalampag ng mga kaldero, nagsusunog ng mga goma sa gitna ng kalye. Parang bagong taon,” recalled Pangilinan, who was not yet 15 in April 1978.

Erin Tañada, whose grandfather and namesake Lorenzo Tañada was the campaign manager of the opposition coalition Laban at the time, recalled that the noise barrage was only meant to last one hour but lasted the whole night, he said.

Similarly, the Otso Diretso campaign manager said, the campaign for the eight senatorial candidates is the campaign of the underdog.  

“Mas marami silang pera, nasa pwesto sila, kinakampanya sila ng buong burukrasya ng pamahalaan. Pero nasa atin ang tama, nasa atin ang matatapat, magagaling, at matatapang na kandidato pagkasenador,” he said.

“Lahat sila, Gary Alejano, Bam Aquino, Chel Diokno, Samira Gutoc, Pilo Hilbay, Romy Macalintal, Mar Roxas, at Erin Tañada ay subok na sa tapat na paglilingkod sa bayan. Tapat, hindi sinungaling. Magaling, hindi nagmamagaling. Matapang, hindi duwag harapin ang mga tunay na problema ng mamamayang Pilipino: trabaho, katarungan, pagkain, kalayaan,” he added.

Pangilinan said that while lack of resources to match the other parties’ campaign war chests can be daunting, he is inspired by the outpouring of public support for the Otso Diretso candidates.

“Meron kaming mahigit 16,000 volunteers na nagbabahay-bahay at nangangampanya para sa mga kandidato pagkasenador ng Otso Diretso. Marami rin ang gumagawa ng sarili nilang mga poster, jingle, at iba pang campaign material para sa kanila,” he said.

“Ito ang tunay na people power. Ang hitsura ng kampanya ang huhubog sa hitsura ng pamumuno: mula sa taumbayan, para sa taumbayan,” he added.