Kampanyang murder lang ba talaga ang pananaw ni Senador Bong Go sa drug war? Mahigit tatlong taon nang tumatakbo ang anti-drug campaign ng administrasyon. Ilan na bang big-time drug lord ang nahuli at napatay nila? Nakakatulong ba talaga sa pagsugpo sa droga kung halos panay tulak at “adik” sa kanto, at malala pa nga, inosente ang pinapatay nila? Kung talagang ito ang tamang landas, bakit si Pangulong Duterte mismo, inaming bigo ang kampanya nila? Katunayan, di ba kaya nga sila humingi ng tulong kay VP Leni, dahil “…it was an offer to make the campaign against illegal drugs better”?
Ibalik po natin ang isyu sa pilit nilang iniiwasan: Bakit po kaya sila takot na takot sa mga ginagawa ni VP Leni? Ano po ba ang natuklas at sino ang nakabangga ni VP Leni, para madaliang tanggalin nila ito sa pwesto?