Statement of Partido Liberal on International Women’s Day

The saying that women hold up half the sky remains a dream that everyone should be pursuing.

More than gender equality, it is everyone’s obligation to seek an end to violence, discrimination, and other forms of gender bias.

In the Philippines, Senator Leila de Lima is one of the prominent faces of struggle for a society that still doesn’t value women and their contributions. Her incarceration for over a year now, and every day that passes by that she remains behind bars on baseless charges, are testimony that the fight for women’s rights remains uphill.

It could be worse because we have leaders who order the military to shoot female rebels in the vagina, who mouth sexist remarks, and who insult women who challenge them.

Together, let’s stoke the flames to make this world a better place for women, as we recognize them for being catalysts of change, displaying extraordinary mettle, strength, care, and love for their families, in their profession, and in society amidst the difficulties.

**

Ang kasabihang ang mga babae ang nagpapasan ng kalahati ng langit ay pangarap pa lang na dapat trabahuin.

Higit pa sa pagkakapantay-pantay ng mga kasarian, tungkulin nating lahat na sugpuin ang karahasan, diskriminasyon, at kung iba’t-ibang uri ng gender bias.

Sa Pilipinas, si Senador Leila de Lima ang isa sa mga pinaka-kilalang mukha ng pakikibaka para sa isang lipunang hindi pa rin pinahahalagahan ang kababaihan at ang kanilang kontribusyon. Ang kanyang pagkakabilanggo nang higit isang taon na ngayon, at bawat araw na patuloy siyang nakakulong dahil sa mga inimbentong paratang, ay patunay na ang laban para sa karapatan ng babae ay mahirap.

Maaaring mas malala pa nga dahil meron tayong mga pinunong nag-uutos sa mga military na barilin ang mga babaeng rebelde sa kanilang maselang bahagi ng katawan, balbal manalita, at pinupuntirya ang mga babaeng humahamon sa kanila.

Sama-sama nating gawing mas mabuti ang mundo para sa mga kababaihang itinuturing na katalista ng pagbabago, halimbawa ng katapangan, lakas, kalinga, at pagmamahal sa kanilang pamilya, trabaho, at lipunan sa kabila ng kanilang mga paghihirap.