Is Malacañang spokesperson Harry Roque now also spinning for China? Is this why he is twisting the survey results showing Filipino low trust of China as due to the “new alliance” forged with the country that has built a military base in the West Philippine Sea?
Filipinos know better. They are not blind to what is happening.
They see China’s occupation of disputed features despite the international tribunal’s ruling that invalidates China’s Nine-Dash Line claim over vast waters way beyond its borders. They see China’s naming of features in the Philippine Rise as another sign of aggression. They see China’s offered loans with onerous interest rates as a crippling debt trap.
And Filipinos see the government’s kowtowing to China peddled as a great act of friendship. They see their interest set aside, interest that the government is duty-bound to serve and promote. They see their burden and suffering due to this government subservience to a foreign power.
Filipinos know. Filipinos can think for themselves. Filipinos will not “give it time”.
——
Spokesperson na rin ba si Harry Roque para sa China? Ito ba ang dahilan kung bakit niya binabaluktot ang resulta ng survey na ipinapakita ang mababang tiwala ng mga Pilipino sa China bunsod ng “new alliance” na nabuo sa bansang nagtayo ng base-militar sa West Philippine Sea?
Maalam ang mga Pilipino. Hindi sila bulag sa mga nangyayari.
Nakikita nila ang pagsakop ng China sa mga pinagtatalunang teritoryo sa kabila ng naging desisyon ng international tribunal na pawalang-bisa ang Nine-Dash Line claim ng China sa karagatang lampas-lampas sa hangganan nito. Nakikita nila ang pagpangalan ng China sa mga feature sa Philippine Rise bilang isa ring agresyon. Nakikita nila ang mga inaalok na pautang ng China na may mabigat na interest rate bilang patibong na lubog-utang.
At nakikita ng mga Pilipino ang pagyukod ng ating gobyerno sa China na nilalako bilang isang magandang pagkakaibigan. Nakikita nila na isinasantabi ang kanilang interes, ang interes na tungkulin ng pamahalaang paglingkuran at itaguyod. Nakikita nila ang bigat at dusang gawa ng paninipsip ng pamahalaang ito sa banyagang kapangyarihan.
Alam ng mga Pilipino. Kaya nilang mag-isip para sa kanilang mga sarili. Hindi “bibigyan ng pagkakataon” ng mga Pilipino ang mga nakikita nila.