Statement of Partido Liberal on Administration’s ‘Horror Stories’

Linking Senate Minority Leader Franklin Drilon and former Secretary Mar Roxas to illegal drugs is the administration’s tactic to run away from their own horror stories.

The country was petrified by the easy entry of the P6.4 billion worth of shabu through the Bureau of Customs amid the government’s intensified campaign against illegal drugs.

Thousands of families are now living in fear and horror due to the deaths of their loved ones in the name of the government’s brutal and bloody campaign against drugs.

And now, prices of goods are rising.

They are crafting a laughable and outrageous work of fiction to divert the attention of the public from their own terrifying stories.

The move to link several prominent Liberal Party members to illegal drugs is their attempt to cover their lack of governance, which requires hard work, facts, and truth.

The Liberal Party has been their convenient excuse for their mistakes, unfulfilled campaign promises, and justification to move into a revolutionary government that will strengthen and rationalize the dictatorial ways of top public officials.

While the administration points to the opposition, three fingers point back to them. Except for a poor warehouseman, no one else has been jailed for the P6.4-billion shabu smuggling in BoC. Why? Are they protecting their friends and allies while making up stories against critics?

Let us listen to the people’s needs and address their issues head-on, and not delve into creative writing. Where is the administration’s bluster against illegal drugs? To the opposition, they forcibly link drugs because they say they hate drugs, but to allies, hardly a whimper.

**

Taktika ng gobyerno ang pagdawit kina Senate Minority Leader Franklin Drilon at dating Secretary Mar Roxas sa iligal na droga para makatakas mula sa kanilang sariling “horror stories.”

Nasindak ang buong bansa dahil sa madaling pagkakapuslit ng P6.4-bilyong na halaga ng shabu sa Bureau of Customs sa kabila ng pinaigting na kampanya kontra droga ng gobyerno.

Libu-libong mga pamilya na ang namumuhay sa takot dahil sa pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay sa ngalan ng walang-awa at madugong kampanya kontra droga ng pamahalaan.

At ngayon, tumataas ang presyo ng mga bilihin.

Gumagawa sila ng mga katawa-tawa at di-kapani-paniwalang mga kathang-isip para malihis ang atensyon ng publiko mula sa kanilang sariling kwentong katatakutan.

Ang pagdawit sa ilang kilalang miyembro ng Partido Liberal sa iligal na droga ang kanilang tangkang mapagtakpan ang mga kakulangan sa pamamahala, na nangangailangan ng pagsusumikap at katotohanan.

Ginagamit nila ang Partido Liberal bilang palusot para sa kanilang mga kakulangan, mga napakong pangako, at dahilan para itatag ang isang rebolusyonaryong gobyerno na papalakasin pa lalo ang mala-diktador na pamamaraan ng mga pinuno.

Habang tinuturo ng administrasyon ang kanilang mga katunggali, tatlong daliri ang nakaturo pabalik sa kanila. Wala pang nakukulong sa P6.4-bilyong shabu smuggling sa BoC kundi isang mahirap na bodegero. Bakit? Pinagtatakpan ba nila ang mga sarili nilang kaalyado at kakampi habang pilit na gumagawa ng kwento laban sa mga kritiko?

Dinggin natin ang pangangailangan ng taumbayan at tugunan ang mga ito, at huwag nang gumawa ng mga malikhaing pagsusulat. Nasaan ang tapang ng administrasyon laban sa droga? Sa oposisyon, pilit dinidikit ang droga dahil galit daw sila sa droga, pero sa kakampi, walang imik.