STATEMENT OF PARTIDO LIBERAL ON DRUG ALLEGATIONS VS PARTY STALWARTS

This latest drug allegation against prominent members of Partido Liberal clearly proves that this administration is going all-out to demonize the party in the eyes of the public and to divert attention from the pressing problems of the country, such as rising prices, extrajudicial killings, and corruption, including drug smuggling at the Bureau of Customs.

After efforts to link the party to destabilization, it is now being accused of being involved in the illegal drug trade solely because of a baseless testimony of a so-called bagman of a drug syndicate.

It appears this administration has the habit of manufacturing “witnesses” who have questionable record and reputation, just like what it did to Senator Leila de Lima, who is now languishing in jail due to testimonies of convicted criminals serving jail sentences.

On the other hand, P1,000 was taken from the alleged P50-million bribe at the Bureau of Immigration involving brods of the Lex Talionis fraternity so that the case won’t be classified as plunder.

There seem to be incidents of “dagdag-bawas” of evidence at the Department of Justice. Adding evidence for those considered as foes, and subtraction for friends.

Instead of swallowing the words of the so-called bagman and wasting time on this new controversy, the administration can better use its time investigating and finding the culprits behind the entry of P6.4-billion worth of shabu that has slipped past the scrutiny of Customs officials.

**

Ang panibagong bintang na ito laban sa mga kilalang kasapi ng Liberal Party ay pagpapakita ng walang-tigil na pagkilos para gawing kontrabida ang partido sa mata ng taumbayan at para ilihis ang atensyon ng publiko sa mga problema ng bansa gaya ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, patayan, at katiwalian, kabilang na ang smuggling ng droga sa Bureau of Customs.

Matapos iugnay ang partido sa umano’y destabilisasyon laban sa pamahalaan, ngayon ay sa iligal na droga naman gamit ang walang batayang testimonya ng isa umanong bagman ng isang sindikato ng droga.

Mukhang mahilig yatang lumikha ang pamahalaang ito ng mga saksing kahina-hinala ang record at pagkatao, tulad na lang ng ginawa nila kay Sen. Leila de Lima na kanilang ipinakulong gamit ang walang batayang testimonya ng mga nahatulang kriminal.

Sa kabilang banda, P1,000 ang inalis sa umano’y P50-milyong suhol sa Bureau of Immigration na kinasasangkutan ng mga brod nila sa Lex Talionis fraternity para hindi plunder ang maging kaso.

Parang may dagdag-bawas na nangyayari sa Department of Justice. Dagdag na ebidensya sa tinuturing na kalaban, bawas naman sa kakampi.

Sa halip na pag-aksayahan ng panahon at paniwalaan ang testimonya ng nagpakilalang bagman, mas mainam sigurong alamin ng pamahalaan kung sino ang mga nagpalusot ng P6.4-bilyong halaga ng shabu sa mga opisyal ng Customs.

/p;boiv>