Ang patuloy na pagpilit ng kampo ni Congressman Suarez na manatili sa minorya bagamat maliwanag pa sa sikat ng araw sa batas at alituntunin ng Kamara na sila ay nasa mayorya na nang sila ay bumoto para kay Speaker GMA ay hindi lamang pagsasalaula ng Kongreso kundi isang tahasang PAGNANAKAW sa karapatan ng mga mamamayan na magkaroon ng tinig na magbibigay ng check and balance sa Mababang Kapulungan.
Tungkulin ng bawat kinatawan sa Kongreso na labanan ang ganitong kabalbalan.
I urge all my colleagues in the minority to exert all effort to fight this in the courts, on the streets, and in all forms of protest action to frustrate the Suarez group’s machinations.
Ang ginagawang ito ng kampo ni Suarez ang lalong magpapabagsak sa imahe ng Kamara at magbibigay duda sa kredibilidad ng mga batas na maipapasa nito.