On Liberal party mates vying for minority leadership

Who can be chosen as minority? According to House rules, those who did not vote and abstained from voting for the Speaker.

Twelve Liberal Party members abstained from the controversial Monday vote.

The Liberal Party will remain standing as the genuine minority at the House of Representatives amid the recent leadership change.

Throughout this administration, its members have proven to be the vigilant, credible, and responsible opposition voice against killings in the war on drugs, nonchalant stance in the West Philippine Sea dispute, the imposition of martial law, and the dangerous Charter change move.

With the ascendancy of a supermajority at the House, what is needed is an authentic minority bloc, and not a co-opted, so-called company union. Having such for a minority group will remove the checks and balances in the chamber, which is fatal to the democratic process in the legislative branch.

Recognizing the Liberal Party as the genuine minority bloc ensures a vibrant and productive chamber.

**

Sino ang maaaring piliing bahagi ng minorya? Ayon sa House rules, iyong mga hindi bumoto at nag-abstain sa pagboto sa Speaker.

Labindalawang miyembro ng Partido Liberal ang nag-abstain sa kontrobersyal na botohan noong Lunes.

Mananatiling nakatindig ang Partido Liberal bilang tunay na minorya sa House of Representatives sa gitna ng pagbabago ng liderato rito.

Sa panahon ng administrasyong ito, napatunayan ng mga miyembro ng partido na sila ang mapagbantay, mapagkakatiwalaan, at responsableng tinig ng oposisyon kontra sa mga pagpatay sa war on drugs, pagsasawalang-bahala sa isyu sa West Philippine Sea, pagpapatupad ng batas militar, at sa mapanganib na pagtulak sa Charter change.

Sa pamamayagpag ng isang supermajority sa House, kailangan ng isang tunay na minority bloc, hindi ‘yung tinatawag na company union. Mawawala ang mga check and balance kapag nagkaroon ng ganitong klaseng minorya, na ikasasawi ng demokratikong proseso sa lehislatura.

Ang pagkilala sa Partido Liberal bilang tunay na minority bloc ang magtitiyak ng isang buhay at produktibong Kamara.