PET ruling proves #LeniIsVP: Pangilinan

Nagpapasalamat tayo sa Presidential Electoral Tribunal (PET) sa pagbasag sa isa na namang kasinungalingan ng kampo ni Ferdinand Marcos Jr. sa protesta laban kay Vice President Leni Robredo.

Sa desisyong ito, tiwala ako na mabubura na ang anumang alinlangan at “fake news” na pinalutang ni Marcos at mga alipores nito upang haluan ng duda ang panalo ni VP Leni.

Ngayong naplantsa na ang isyu ng threshold, kumpiyansa ako na magiging mabilis na ang pagresolba sa walang basehang protestang ito at mapagtitibay ang mandatong ibinigay ng taumbayan kay VP Leni.