The PET decision affirming the use of the 25-percent threshold is not just a victory for Vice President Leni Robredo, but it is another overwhelming triumph for truth.
Sa desisyong ito, muling nanaig ang katotohanan sa mga kasinungalingang ipinakalat ng anak ng diktador sa kanyang protesta.
Mula sa pagpapakalat ng tsismis sa media at sa kanyang kampon sa Internet na 21,000 boto ang nawala umano kay VP Leni sa recount.
Sinubukan din niyang basagin ang resulta ng halalan sa sinasabi niyang dayaan bunsod ng pagkakaroon ng square ng mga balota na agad pinabulaanan ng Comelec.
Pati ang pabagu-bagong posisyon niya ukol sa paggamit ng decrypted ballots na kanyang sinang-ayunan noong una ngunit bigla rin niyang kinontra.
Napatunayang lahat na ito’y pawang kasinungalingan lang ni Bongbong Marcos.
Sa pasyang ito ng PET, muli na namang nanaig na naman ang katotohanan laban sa kasinungalingan at mapagtitibay ang tagumpay ni VP Leni sa nakaraang halalan.