Laban ang Partido Liberal sa lahat ng uri ng panggigipit sa tao tulad ng mga patayan dahil sa droga. Sa mga isyung ganyan, pilit kaming pinapatahimik ni Sen Bong Go. Pero bakit pagdating dito sa isyu ng water concession na malinaw na nangyari sa ibang mga administrasyon, pilit naman niya kaming hinihingan ng opinyon?
Gayumpaman, ididiin ko po: Itong mga kontratang ito, nangyari sa ilalim ng administrasyong Ramos at inextend naman noong 2009 sa ilalim ng administrasyong Arroyo. Ang pinakamatindi po: Lahat ng hearing sa arbitration na ito ay nangyari sa ilalim ni SolGen Calida.
Sa ilalim ng administrasyong PNoy, sinabi na ni dating SolGen Hilbay: “What was my position as Solgen on this issue? Both Maynilad and Manila Water cannot pass on to consumers their corporate income taxes, that is, that they should pay these taxes because there is no law or contract that allows them to transfer their tax burden to the public — they should pay these taxes, like everybody else. The ‘losses’ that the concessionaires claim from the Republic are actually the income taxes they wanted to transfer to the public but weren’t able to do so. “
Ulitin natin: Bawal ipasa sa mga consumer ang buwis na dapat bayaran ng mga pribadong kumpanya.
Siguro po ang dapat kausapin ni Sen Bong Go ukol dito ay ang mga kaalyado nila mula sa mga kampong Ramos at Arroyo. Ibalik nga po natin ang tanong: Masasabi ba ni Sen Bong Go na ang administrasyong kinabibilangan niya ay hayag, kung ang kanyang SALN nga ay hindi pa ibinabahagi ni Pangulong Duterte sa publiko?
Kailangan po nating tandaan at idiin: tatlo’t kalahating taon na silang nakaupo. Ang totoong dapat itanong dito: Bakit sa loob ng panahong iyon ay hindi nila siniyasat at ginawan ng maayos na resolusyon ang isyung ito?
Sa huli, iisa ang layunin natin dito: Regular at murang supply ng malinis na tubig.