Mga kasama,
Unang-una, pagbati sa lahat: Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon! Naging mabigat ang taong ito para sa bayan at para sa atin bilang Partido, ngunit ‘ika nga nila, we can go nowhere but up – and up we most certainly have gone.
Ikinagagalak kong ibalita sa inyo ang patuloy na pagbubunga ang puspusang pag-oorganisa natin ng mga chapters sa iba’t ibang panig ng bansa. Ayon sa National Organization and Membership Commission na pinamumunuan ni dating Cong. Teddy Baguilat, aabot na sa 62 bagong chapters ang nasimulan nating buohin. Katunayan, pormal nating kikilalanin ang lima sa kanila ngayong ika-17 ng Disyembre sa kauna-unahang Pagpapatunay ng mga Chapter na gaganapin sa Office of the Vice President sa Quezon City.
Magpupulong ang liderato upang isaayos at gawing mas pulido ang pagtataguyod ng mga susunod na bagong chapters, sa tulong ng mga officers nating tututukan ang pagbibigay-lakas sa mga ito upang mas masigurong handa sila sa magiging tungkulin bilang kasapi ng chapter at ng Partido. Sabay naman nito ang ating atas sa mga kapartido: Bago magtapos ang taon, mangyaring magpulong kayo upang pag-usapan at pagplanuhan ang susunod na taon. Nasa isang hiwalay na policy dispatch ang detalye ng iba pang aasahan sa inyo.
Tumatak sa marami ang mensahe natin noong nakaraang buwan tungkol sa pagkatao ng ating Party Chairperson na si Bise Presidente Leni Robredo. Sa kabila ng agam-agam natin sa alok ng administrasyon na siya’y maging drug czar, buong-tapang na tinanggap ni Bise Leni ang hamon: ‘Ka niya, kung may kahit isang buhay na maaaring mailigtas, handa siyang pasanin ang tungkulin. This was a selfless, courageous act that humbled and inspired us.
Bilang drug czar, nakita ng ating mga kababayan ang mahusay, masusi, at makatarungang estilo ng pamumuno ni VP Leni bilang ICAD co-chair. Inaabangan natin ang kanyang ulat, at inaasahan niya ang ating suporta.
Nakarating rin pala sa liderato ang balita ng pagsisikap ninyong makalikom ng pondo para sa kanya-kanyang mga chapter – on behalf of the Party leadership, nais ko kayong pasalamatan sa inyong pagkukusa, at sa walang-tigil na pagkilos para sa ating nagkakaisang adhikain ng mas malaya, mas mapayapa, at mas masaganang Pilipinas para sa lahat.
We’ve had our fair share of setbacks and heartbreaks – sa patuloy na paninira sa ating Partido at liderato, sa resulta ng eleksyon nitong Mayo, at sa higit isanlibong araw ng pagkakakulong ni Sen. Leila – but we’ve also won significant battles fought in the name of justice and democracy: Paulit-ulit nating inantala ang panukalang charter change at tangkang pagdeklara ng revolutionary government; siniguro ang budget ng CHR upang tuloy-tuloy nitong magawa ang kanyang mandato; ipinaglaban natin ang ating kabataan laban sa lowering ng minimum criminal age of responsibility; pinatunayan nating si VP Leni ang tunay at karapat-dapat na Bise Presidente ng Pilipinas; nanindigan tayo laban sa walang-katarungang war on drugs; at nagsalita tayo para sa mga magsasaka, manggagawa, at mangingisdang hanggang ngayon ay dinedehado ng mga polisiya ng pamahalaan.
Kaya tuloy-tuloy lamang tayo, mga kasama – sa pagpapalawak at pagpapatibay ng ating chapters, sa pagbubukas ng sarili sa pag-unawa at pakikipagkapwa, at sa pagsasabuhay at pagsasapuso ng kalayaan, katarungan, at bayanihan. Subaybayan ang ating social media pages para sa updates at opisyal na pahayag ng ating mga pinuno, abangan din ang ating mga messaging at social media advisory, at manatiling listo para sa mga susunod na hakbang ng Partido.
Muli, isang maligaya at makabuluhang Pasko sa inyong lahat. Kita-kita tayo sa bagong taon, at sa muli nating pagpupunyagi tungo sa mas manigong bayan para sa Pilipino. If numbers are anything to go by, 2020 will be a year of perfect vision – and ours has never been clearer.
Padayon!
Sumasainyo,
Rep. Christopher “Kit” Belmonte
Liberal Party Secretary-General