PAHAYAG NG LIBERAL YOUTH UKOL SA PLANONG GAWING “ARAW NI FERDINAND MARCOS” ANG SETYEMBRE 11 KADA TAON SA ILOCOS NORTE

Walang batas ang makakapagpabango sa pangalan ng isang diktador.

Walang araw ang dapat na i-alay para sa isang taong nilubog ang ating bayan sa lusak, inabuso ang kapangyarihan para tapakan ang ating mga karapatang pantao at ninakawan tayo ng bilyun-bilyon kaya tayo naghihirap ngayon.

Walang bayaning perpekto, pero  kailanman, hindi magiging bayani ang isang diktador, magnanakaw at mamamatay tao.

Mariing kinukundena ng Liberal Youth ang panukalang gawing Araw ni Ferdinand Marcos ang Setyembre 11 ng bawat taon sa Ilocos Norte.

Ang hakbang na ito ay pambabastos sa mga naging biktima ng inhustisya ni Marcos sa loob ng 21 taon.

Patuloy nating lalabanan ang tangka ng mga nasa kapangyarihan ngayon na baligtarin ang ating kasaysayan at ang katotohanang si Ferdinand Marcos ay diktador, magnanakaw at HINDI BAYANI.

#NeverForget

#NeverAgain

##

—————————————————

Contact Person:

David Santos
LY Secretary General
(0927) 574 2627
[email protected]com