Hindi talaga nakukuntento ang Administrasyong ito sa pang-aalipusta kay Sen. Leila De Lima. Nakakulong na nga ang tao dahil sa mga inimbentong kaso, ikinakaladkad pa ang pangalan niya sa kapalpakan at katiwaliang kagagawan mismo ng mga kampon ng rehimeng ito.
Lahat na siguro ng eskandalong puputok sa Administrasyon ay ibibintang sa kanya mapagtakpan lang ang alingasaw ng sarili nilang kabuktutan.
Malinaw pa sa sikat ng araw ang kapalpakan at kabalbalan ni Faeldon sa BuCor at BoC ngunit pinupuri pa rin siya na tila santo na walang kasalanan kahit tinanggal na sa puwesto.
Sina Rafael Ragos at Jovencio Ablen Jr. na kasama rin ni Sen. De Lima na sinampahan ng kaso ay tumestigo laban sa kanya at ngayon ay nasa ilalim ng witness protection program. Magsasalita ba ito kontra sa panggigipit ng Administrasyon kay Sen. Leila?
Ang sarap rin ng buhay ng mga convicted na kriminal na tumestigo laban kay Sen. Leila na ngayon ay inilipat sa Marine Barracks sa Taguig at pakikinabangan ang bunga ng kanilang pagsisinungaling para sa Administrasyon.
Kinukunsinti ang mali at kasinungalingan habang idinidiin nang walang kalaban-laban ang Senadora.
Ngayon, hinahamon namin ang pamunuan ng Senado na igalang ang sarili nilang kasamahan at bigyan si Sen. De Lima ng pagkakataong ipahayag ang kanyang panig sa kabila ng mga paratang na ibinabato sa kanya.
Bilang kapwa Senador, nararapat lang na maipagtanggol niya ang kanyang sarili sa loob mismo ng institusyong kanyang kinabibilangan.
Kung ang mga kriminal nga na sentensyado na ay naipatawag ng Kongreso para tumestigo, paano pa kaya ang Senadora na ipinakulong kahit na walang ebidensya laban sa kanya?
Mariin naming kinukundena ang lahat ng pag-atakeng ito kay Sen. De Lima. Huwag ilihis ang isyu sa mga tunay na may sala. Bigyan ng patas na laban si Sen. Leila!
This Administration is not content with insulting Sen. Leila De Lima. Apart from being incarcerated on invented allegations, her name is being dragged to the incompetence and corruption of this regime’s henchmen.
Perhaps all scandals involving this Administration will be blamed on her to cover up the stench of their misdeeds.
Faeldon’s ineptitude and malevolence at the BuCor and the BoC is as clear as the light of day, yet he is still praised like a sinless saint even after he’s been removed from office.
Rafael Ragos and Jovencio Ablen Jr., who were charged together with Sen. De Lima, testified against her and are now under the witness protection program. Will they speak against the Administration’s persecution of Sen. Leila?
The convicted criminals who testified against Sen. Leila are living it up with their transfer to the Marine Barracks in Taguig and are benefiting from the fruits of their lies for the Administration.
The wrong and the lies are being encouraged while the helpless Senator is being made to suffer.
Now, we challenge the Senate leadership to respect its own and give Sen. De Lima the chance to defend herself against imputations made against her.
As a Senator, she should be able to defend herself in the very institution to which she belongs.
If sentenced criminals may be called to Congress to testify, surely a Senator who has been detained without a shred of evidence can do the same.
We strongly condemn all these attacks against Sen. De Lima. Don’t divert the issue from the real lawbreakers. Give Sen. Leila a fair fight!