AT D.O.J. RALLY VS RELEASE OF CONVICTED RAPIST-MURDERER MAYOR
Liberal women call for justice; no pardon for Sanchez, 13 convict-witnesses vs Sen. Leila; immediate release of Sen. Leila
MANILA – The outrage against the announced release of convicted rapist-murderer former Mayor Antonio Sanchez of Calauan, Laguna continued Friday as women expressed their indignation against the scheme by staging a rally outside the Department of Justice offices.
Non-politician Liberal Party women members said justice is having Sanchez remain in jail for the brutal crime “hatched in hell,” as the judge called the rape-double murder when she convicted and sentenced the former mayor to seven life terms.
“Naniniwala tayo sa katarungan — at makatarungang manatili sa kulungan si Antonio Sanchez (We believe in justice — ang it is just for Antonio Sanchez to remain in jail),” they said in a statement read by Loreta Veluz.
The non-politician Liberal Party women contrasted the scheme to let out Sanchez and the 13 convict-witnesses against Sen. Leila De Lima to her unjust, baseless detention, and called for her immediate release.
“Makatarungan ba ito? Tama ba ito? Na nakakulong si Sen. Leila sa mga paratang na inembento at walang ebidensya? Habang pakakawalan sa lipunan ang 13 nahatulan nang mga masasamang-loob? (Is it just or right to keep Sen. Leila in jail on manufactured charges and non-existent evidence when 13 convicted criminals will be released back to society),” they said in a statement read by Lorelei Baldonado.
“Makatarungan ba ito? Tama ba ito? Na nakakulong si Sen. Leila kahit wala ni isang gramo ng ebidensya? Habang pakakawalan sa lipunan ang 13 nahatulan nang mga gangster na kumita sa binentang mga droga? (Is it just or right that Sen. Leila is in jail for not a single gram of evidence when 13 convicted gangsters who earned off selling drugs will be released back to society),” they added.
The Liberal Party women also pointed out that the administration is aligned with criminals.
“Bahagi si Sanchez ng marungis na hanay ng administrasyong ito: Mga kriminal, sanggano, magnanakaw, mandarambong, mamamatay-tao. Arroyo, Ampatuan, Revilla, Marcos, Duterte: Sila ang magkakahanay, ang nagpapakasasa sa kapangyarihan. Habang pinapatay ang mga mahihirap, ang mga maliliit, ang mga walang laban. Lahat ito, habang ikinukulong ang mga kritiko at pinatatahimik ang mga nagsasabi ng katotohanan (Sanchez is part of the crooked gang of criminals, thugs, thieves, plunderers, and murderers allied with the administration. Arroyo, Ampatuan, Revilla, Marcos, Duterte: they are in the same abusive gang while the poor, the voiceless, and the powerless are being killed. All these, while critics are being killed or silenced for telling the truth),” they added.
Other women’s groups like Gabriela and Babae Ako also staged their own protest action at the DOJ.
The Liberal Party contingent was made up of members from the following chapters: Manila-Malaya, Manila-Matatag, Montalban/San Mateo, Quezon City-Kagitingan, Bacoor, and Bulacan.
###
Statement 1:
Pahayag ng Mamamayang Liberal ukol sa Pagpapalaya kay Antonio Sanchez
Hindi tama, karapat-dapat, o makatarungan na palayain si Mayor Sanchez
Naniniwala ang Liberal sa katarungan. Sa restorative justice. Sa karapatan ng sino man na panghawakan ang sariling bukas, anumang dungis ng kanyang nakaraan.
Marungis ang nakaraan ni Mayor Sanchez. Noong 1993, dinukot sa sakayan ang estudyanteng sina Eileen Sarmenta at Allan Gomez. Ginahasa ni Sanchez si Eileen, ipinasa sa mga tauhan, na siyang nagpatuloy ng panghahalay. Pinatay sa atas ni Sanchez sina Eileen at Allan. Dahil sa mga krimeng ito, pinatawan siya ng pitong ulit ng habambuhay na pagkakakulong.
Sa piitan, sa halip na magsisi at magbago, nagpatuloy ang maruming asal ni Sanchez. Nagpatayo ng sariling kabanang de-aircon at may TV. Nagpasok siya ng kontrabando. Nagsilid ng shabu sa estatwa ng Birheng Maria. Parang nagbakasyon lang sa Bilibid si Sanchez.
Bahagi si Sanchez ng marungis na hanay ng administrasyong ito: Mga kriminal, sanggano, magnanakaw, mandarambong, mamamatay-tao. Arroyo, Ampatuan, Revilla, Marcos, Duterte: Sila ang magkakahanay, ang nagpapakasasa sa kapangyarihan. Habang pinapatay ang mga mahihirap, ang mga maliliit, ang mga walang laban. Lahat ito, habang ikinukulong ang mga kritiko at pinatatahimik ang mga nagsasabi ng katotohanan.
May mali dito. Nagtitipon tayo ngayon para igiit ang mga katotohanang ito.
Naniniwala tayo sa katarungan — at makatarungang manatili sa kulungan si Antonio Sanchez.
END
Statement 2
Pahayag ng Mamamayang Liberal ukol sa Pagpapalaya sa 13 Kriminal na Tumestigo Laban kay Sen. Leila De Lima
Hustisya Para sa Bayan, Palayain si Senator Leila
Read by Lorelei Baldonado of LP-Malolos, Bulacan
Kaming mga Liberal, nananawagan ng katarungan para sa bayan. Palayain si Senator Leila De Lima.
Halos isang libong araw nang nakakulong si Senator Leila. Bakit kinulong si Senator Leila? Dahil nainis sa kanya si meyor. Bakit nainis sa kanya si meyor? Dahil matapang niyang inilabas ang katotohanang hindi nanlaban ang libo-libong pinatay at pinapatay sa tinawag nilang drug war. Dahil matapang niyang ipinagtanggol ang karapatan ng mga aba, mahihirap, at walang kapangyarihan.
Nag-imbento sila ng mga paratang. Ginamit ang mga nahatulang malalaking drug lord, kidnapper, at mamatay-tao sa Muntinlupa para dungisan ang pangalan ni Sen. Leila. At bilang gantimpala, tuluyan nang pakakawalan ang mga kriminal na ito.
Makatarungan ba ito? Tama ba ito? Na nakakulong si Sen. Leila sa mga paratang na imbento at walang ebidensya? Habang pakakawalan sa lipunan ang isang meyor na nauna sa pag-rape sa isang nakursunadahang estudyante ng UP Los Baños at pagkaraan ay inuutos ang kanyang pagpatay pati na ang kasama niyang kaibigan?
Makatarungan ba ito? Tama ba ito? Na nakakulong si Sen. Leila sa mga paratang na inembento at walang ebidensya? Habang pakakawalan sa lipunan ang 13 nahatulan nang mga masasamang-loob?
Makatarungan ba ito? Tama ba ito? Na nakakulong si Sen. Leila kahit wala ni isang gramo ng ebidensya? Habang pakakawalan sa lipunan ang 13 nahatulan nang mga gangster kumita sa binentang mga droga?
Hindi! Hindi ito makatarungan. Hindi ito tama.
At sino itong 13 mga huwad na saksi sa gawa-gawang mga paratang kay Sen. Leila?
Sila ay mga convict na sinentensyahan na ng panghabambuhay na pagkakakulong dahil sa kasong pagbebenta ng droga, kidnapping, robbery with homicide, at iba pang mga karumal-dumal na krimen.
Sila, ayon sa kanilang sentensya, ay sobrang sama (vile), sobrang buktot (depraved) na lubhang labag sa damdamin at pamantayang moral ng komunidad ang kanilang pagpapalaya.
Sila, tulad ng meyor na ibig pawalan, ay dapat manatiling nakakulong.
Nandito kami ngayon, inuulit ang mga panawagan ng Amnesty International, Human Rights Watch, International Commission of Jurists, Global Commission on Drug Policy, International Union of Socialist Youth World Council, FORUM-Asia,
Inter-Parliamentary Union, Parliamentarians for Global Action, ASEAN Parliamentarians for Human Rights, European Parliament,
Women’s Caucus of the Council of Asian Liberals and Democrats, International Network of Liberal Women, Liberal International, at maging ng United Nations Human Rights Council’s Working Group on Arbitrary Detention
Inuulit naming mga Liberal ang panawagang palayain si Senator Leila De Lima.
Ang kalayaan at katarungan para kay Senator Leila ay kalayaan at katarungan para sa lahat ng Pilipino.
END