Liberal Party statement on Mayor Sara’s attack vs Vice President Robredo

Kapag kakampi nila hindi issue ang honesty pero kapag si VP Leni at hindi nila kaalyado ay issue na ito? Tama ba yun?

Ang dapat na nagsasalita ay ang kanilang mga kandidatong tumatakbo para sa Senado. At ang mga dapat pag-usapan ay ang mga hinahanapan ng sagot ng mga Pilipino: kawalan ng trabaho, mataas na presyo, pagpatay, at katiwalian.

Hindi kandidato si VP. Ang pag-atake sa kanya gamit ang fake news at paninira ng mga Marcos ay pagtatangkang ibaon ang mga usapin ng panloloko, pagnanakaw, at kapalpakan na kinasasangkutan ng mga kandidato nila sa Hugpong.