May dapat bang ikatakot o itinatago ang pamahalaang Duterte kaya itinatago nito ang hawak na intelligence report kay Vice President Leni Robredo?
Kung wala silang pinagtatakpan, napakadali lang na ilabas ang nasabing intelligence report para sa kaalaman ni VP Leni bilang Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Depriving VP Leni of needed intelligence report will render her blind in the performance of her duty. Paano mo lalalabanan ang iligal na droga kung hindi mo alam kung sino ang iyong makakalaban?
Kung nais talaga nilang magtagumpay si VP Leni sa kanyang trabaho, hinahamon natin ang pamahalaang Duterte na ibigay ang lahat ng kailangan ng Bise Presidente para epektibo niyang matugunan ang problema sa ilegal na droga.
If the government won’t do it, then it is really setting up the Vice President to fail.