Govt must focus on stabilizing prices, not destabilizing plots: Sen. Kiko

Hindi lang mapanganib ang mga intelligence report na batay sa kapraningan at haka-haka, nakamamatay pa. Pwedeng idamay nito ang mga walang-sala at mga kritikong nagpapahayag ng kanilang mga paniniwala at nagsusulong ng mga paraan para makaahon tayong lahat sa hirap.

Inuulit ko: Walang kinalaman ang Partido Liberal sa anumang pakanang patalsikin o i-destabilize ang Pangulo at tututulan ang mga ganitong aksyon na hindi ayon sa Saligang Batas. Patuloy naming tututulan ang mga kontra-mamamayang polisiya ng gobyerno sa mga paraang konstitusyunal.

Hindi kailangan ng LP na i-destabilize ang administrasyon na gumagawa ng sariling multo dahil sa palpak nitong pamamahala ng ekonomiya. Dapat tutukan ng gobyerno ang pag-stabilize ng presyo at suplay ng mga bilihin, lalong-lalo na ang ligtas at abot-kayang NFA rice, hindi ang mga kwentong-kutserong destab.

**

Intelligence reports based on paranoia and speculations are dangerous, if not deadly. It could target innocent people and critics voicing out their views and putting forward ways to help us get out of this mire.

Let me repeat: The Liberal Party is not behind any plot to oust or destabilize the President and will oppose any unconstitutional effort in this regard. We will continue to oppose the anti-people policies of this administration through constitutional means.

The LP does not need to destabilize the administration that is shooting itself in the foot with the mismanagement of the economy. The government should focus on stabilizing prices and availability of goods, especially safe and affordable NFA rice, not destabilizing plots.