Destabilization is government’s own doing, not opposition’s: Pangilinan

The opposition does not have to do anything. On its own, either by its incompetence or corruption, the government is doing a good job of destabilizing itself.

All Malacañang has to do is listen to its own allies who, like the opposition, are calling for the resignation of DA and NFA officials for causing the rice crisis. Are they destabilizers too?

DBM Secretary Diokno said the current NFA officials should be hanged. Representatives Joey Salceda and Karlo Nograles called for their resignation. Senator Villar said public anger may necessitate the replacement of DA and NFA officials. Arroyo ally and House leader Danny Suarez went so far as calling for the firing of DTI, DOF, DBM, and NEDA for their inability to manage the economy.

If the President doesn’t want to listen to the opposition, that’s fine but his own allies are sounding the alarm bells. Malacañang should heed the clamor of its own allies and act decisively to solve the rice crisis.

The accusation of destabilization is downright false. It is ridiculous. Dissent is not destabilization. Every time scandals and controversies hound this administration, whether it be corruption issues or issues of incompetent governance, it blames the opposition.

For everyone’s sake, instead of throwing baseless accusations at LP and the opposition, the government should listen to the cry of the people and focus on rising prices of goods and lack of jobs that would sufficiently provide for the average Filipino family.

**

Walang kailangang gawin ang oposisyon. Dahil sa sariling kapalpakan o katiwalian, mahusay nang ginagawa ng gobyerno ang i-destabilize ang sarili.

Pakinggan lang ng Malacañang ang mga kakampi, na tulad ng oposisyon, ay nananawagan ng pagbitiw ng mga opisyal ng DA at NFA dahil sa ginawang krisis. Destabilizer din sila?

Sabi ni DBM Secretary Diokno, ang mga kasalukuyang opisyal ng NFA ay dapat ibigti. Nanawagan sina Congressman Joey Salceda at Karlo Nograles ng kanilang pagbibitiw. Sinabi ni Senator Villar na sa galit ng tao, dapat nang palitan ang mga opisyal ng DA at NFA. Ang kapartido ni GMA at lider sa House na si Danny Suarez, nanawagaan na sisantehin na ang mga pinuno ng DTI, DOF, DBM, at NEDA dahil hindi nila ginawa ang kanilang trabahong maayos na pamahalaan ang ekonomiya.

Kung ayaw makinig ng Pangulo sa oposisyon, ok lang yun pero mga kakampi na niya mismo ang nagbababala. Dapat sundin ng Malacañang ang panawagan ng kanyang mga kakampi at kumilos agad para lutasin ang krisis sa bigas.

Ang akusasyon ng destabilization ay ganap na kasinungalingan. Ito ay katawa-tawa. Ang pagtutol ay hindi destabilization. Sa tuwing may mga iskandalo at kontrobersya ang administrasyong ito, maging ito man ay mga isyu sa katiwalian o mga isyu ng palpak na pamamahala, sinisisi nito ang oposisyon.

Pinakamaigi para sa lahat, imbes na batuhin ng walang basehang akusasyon ang Partido Liberal at ang oposisyon, tututukan ng gobyerno ang pagtaas ng presyo ng bilihin at ang kakulangan ng trabahong magsusustena sa karaniwang pamilyang Pilipino.