“The appointment and the eventual firing of VP Leni as anti-drug co-chair prove what we have been saying all along: Both the war on drugs and the appointment of the vice president as ICAD co-chair are bluff and bluster.
Their scheme to make VP Leni look weak back-fired. Just two weeks after her appointment, she has shown courage and competence in facing the problem at hand and redirected the anti-drug war track from a criminal justice issue to a public health problem.
Marami ang natuwa at humanga sa pagtanggap ni VP Leni ng nasabing alok. Sumabog sa mukha nila ang kanilang tangkang pahiyain si VP Leni.
Sa maikling panahon, pinakita ni VP Leni na hindi solusyon ang araw-araw na patayan ng mga mahihirap na drug user habang pinapakawalan at pino-promote ang malalaking drug lord, ninja cops, at mga protektor nila.
Pinatunayan din nitong pagtanggal kay VP Leni na wala silang isang salita. Sa katunayan, yung palpak na war on drugs ginawa nilang war on VP.
Malacañang did not just blink. Parang silang napuwing nang todo-todo. Umatras. Dahil sa takot at pangamba na lalo pang lumawak ang suporta kay VP Leni bunga ng mas maayos at higit na epektibong kampanya laban sa iligal na droga, agad-agad nilang tinanggal siya sa ICAD.”