“Hindi na tayo nagulat sa desisyon ni Pangulong Duterte na alisin si Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Alam na nating gagawin ito ng Pangulo dahil ito lang ang tanging paraan upang makaiwas sa malaking problema na sila mismo ang may gawa.
Sa halip na hayaan si VP Leni na tumulong sa kampanya kontra droga, ginamit lang ito ng Malacañang para siraan ang Bise Presidente. Mabuti na lang at hindi nagtagumpay ang kanilang maruming balak.
Kahit ano pa ang gawing palusot ng Palasyo, isa lang ang malinaw: Hindi pa sila talaga handa kay VP Leni at sa kanyang determinasyon na resolbahin ang problema sa ilegal na droga sa bansa.
Sa nangyaring ito, napatunayan din na simula’t sapul, hindi sinsero ang gobyernong ito na sugpuin ang droga sa bansa.”