TUGON NI LP SECGEN CONG. KIT BELMONTE SA HAMON NI SEN. BONG GO KAY VP ROBREDO NA PATAYIN ANG MGA DRUG LORD

“May tawag po sa suggestion ni Senator Go: Murder. 

Ang gusto po nila, pasukin natin ang debate ng kung may karapatan ba sa due process ang mga drug lord. Kung may karapatan din ba silang mabuhay. Pero bago po siguro pasukin ang debateng yun, tanungin muna natin: Sino nga ba ang mga drug lords na ito? Kung may listahan siya ng mga ito, ang pinakamaganda siguro, makipagtulungan na lang siya kay VP Leni para masigurong masusugpo ang droga.

Hulihin po natin sila nang mabilis, at nang ayon sa batas. Pag nahuli natin sila, tsaka natin ulit kunin ang opinyon ni Senator Go — kung talagang murder ang nasa isip niya. Kasi alam namin, para kay VP Leni, ang mahalaga, tunay na hustisya. Hindi body count.”