Seventy-five years ago today, the largest naval battle in the Pacific was fought and won in Leyte. It marked the beginning of the end of all wars in our shores.
As we commemorate the story of the Leyte landing and of the Philippine liberation, let us remember that this important saga of our history was woven not just by the resolve of an individual, but the stories of thousands upon thousands of brave men and women who came together in defense of freedom.
Most importantly, we honor the valor of our Filipino fighters, now our war veterans who made up the resistance movement against foreign occupation. Their experiences encapsulate the idea that in any war, it is the ordinary soldier and the unarmed civilian who suffer the most. After the conflict, they are left with the huge task of rising from the rubble and rebuilding their lives and the nation.
From this experience, we should come up with a common resolve to never again allow humanity to undergo the same terrors and losses, especially from preventable man-made wars. As it is, the Filipinos are engaged in their everyday battle for survival — to get to work, to bring food on the table, to land a decent job, to find means to study, to cure an illness.
It is the Filipinos’ spirit, toughness, and perseverance — as inspired by our war veterans in their battle for freedom — that keep us going to overcome the challenges we face now.
Such courage and selflessness are innate in the Filipino. This is us.
Pitumpu’t-limang taon ngayon, ipinaglaban at ipinanalo sa Leyte ang pinakamalaking digmaang pandagat sa Pasipiko. Naging hudyat ito ng simula ng katapusan ng lahat ng digmaan sa ating mga baybayin.
Sa ating paggunita ng paglapag sa Leyte at ng pagpapalaya sa Pilipinas, tandaan nating hinabi ang mahalagang kwentong ito ng ating kasaysayan hindi lang sa kapasyahan ng iisang tao, kundi sa mga kuwento ng libo-libong magigiting na mga indibidwal na nagsama-sama para ipaglaban ang kalayaan.
Pinakamahalaga sa lahat, ipagbunyi natin ang katapangan ng ating mga mandirigmang Pilipino, ngayo’y mga beterano sa digmaan na binuo ang kilusang lumaban sa pananakop. Nakapaloob ang kanilang mga karanasan sa kaisipang sa anumang digmaan, ang karaniwan sundalo at di-armadong sibilyan ang pinaka-nagdurusa. Matapos ang sagupaan, naiiwan sa kanila ang mabigat na tungkuling bumangon at itayo muli ang kanilang buhay at ang bayan.
Mula sa karanasang ito dapat nating hugutin ang nagkakaisang pasya na hindi na muling hayaang balutin ulit ng sindak at pinsala ang sangkatauhan, lalo na sa mga maiiwasang digmaang gawa ng tao. Ngayon pa lang, hinaharap na ng mga Pilipino ang araw-araw na laban para mabuhay — para makarating sa trabaho, magkaroon ng pagkain sa hapag, makahanap ng disenteng trabaho, makapag-aral, makakuha ng lunas sa mga karamdaman.
Ang lakas, tibay, at tiyaga ng mga Pilipino — na inspirasyong dulot ng ating mga beterano sa kanilang laban para sa kalayaan — ang nagtutulak sa atin para lampasan ang mga pagsubok na hinaharap natin ngayon.
Ang naturang katapangan at pagiging mapagbigay ay likas sa mga Pilipino. Ito tayo.