Partido Liberal condemns the senseless killing of Catholic priest, Fr. Mark Ventura, who was shot dead by two unidentified gunmen in Gattaran, Cagayan on Sunday just after he celebrated Mass.
The brazen attack on the 37-year-old Fr. Ventura, known for his advocacy against mining and being of aid to indigenous peoples, has no place in our society and under this administration which boasts of prioritizing law and order and brags about reduced crime rates.
We call on the authorities to capture and prosecute Fr. Ventura’s killers as soon as possible and not treat Fr. Ventura’s death as just another death under investigation wherein perpetrators are never held accountable, as in the case of Fr. Marcelito Paez, who was also killed by unidentified gunmen in Jaen, Nueva Ecija five months ago in December 2017.
We hope that Fr. Ventura’s death is not a reflection of our nation’s character in light of the recent actions of the government against Sister Patricia Fox — an aid worker for the past 27 years who has been ordered kicked out of the country on baseless claims that she is out to besmirch the government.
**
Mariing kinukundena ng Partido Liberal ang walang-saysay na pagpaslang sa paring Katoliko na si Fr. Mark Ventura, na binaril ng dalawang di pa nakikilalang salarin sa Gattaran, Cagayan ngayong Linggo matapos niyang magdaos ng misa.
Ang walang-hiyang pag-atake sa 37 taong gulang na si Fr. Ventura, na kilala sa kanyang pagtutol sa pagmimina at sa pagbibigay-tulong sa mga katutubo, ay walang puwang sa ating lipunan at sa ilalim nitong administrasyon, na tila ipinagmamalaki ang pag-una nito sa batas at kaayusan at ipinagyayabang ang mababang crime rate.
Panawagan namin sa mga otoridad na hulihin at usigin ang mga pumatay kay Fr. Ventura sa lalong madaling panahon at huwag ituring ang pagkamatay ni Fr. Ventura na isa lang sa mga deaths under investigation kung saan hindi napapanagot ang mga may sala, tulad ng kaso ni Fr. Marcelito Paez, na pinaslang din ng mga di pa nakikilalang salarin sa Jaen, Nueva Ecija limang buwan lang ang nakakaraan noong December 2017.
Umaasa kami na ang pagpatay kay Fr. Ventura ay hindi larawan ng kung ano tayo bilang bansa, sa kabila ng mga pagkilos ng pamahalaan laban kay Sister Patricia Fox — isang aid worker sa nakalipas na 27 taon na inuutos na umalis sa bansa dahil sa mga sabi-sabing sinisiraan niya ang pamahalaan.