Hindi nakakatawang April Fool’s joke, unconstitutional: LP
“Paano nilabag ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang batas na hindi pa batas? Ginamit ang mga improvised tricycle bago mag-March 18. Umapela, tinanggihan, at sumunod sa utos si Mayor Vico March 19. Naging batas ang Bayanihan to Act Heal as One Act (Special Powers Act) noong March 24.
A case against Mayor Vico for acts done before the effectivity of the Special Powers Act will not fly as it will violate Art. III, Sec. 22 of the Constitution, which reads “[n]o ex post facto law or bill of attainder shall be enacted.”
Sa madaling salita, labag sa Saligang Batas na gawing krimen ang isang bagay na nagawa na bago pa man maipasa ang bagong batas.
I-atras na ang pananakot na kasuhan si Mayor Vico. Nagtatrabaho siya nang mabuti at naghahanap ng solusyon at paraan para makatulong. Habulin ang mga tunay na pahirap ngayong may epidemya.
Panawagan ko sa mga kapwa lingkod-bayan: Huwag tayong magpagamit sa ibang interes at kapritso — kapakanan ng taumbayan sana ang pokus natin sa lahat ng oras lalo na ngayong panahon ng peligro.
Huwag na ninyong dagdagan ang mga kapalpakan at pagsipsip. Hindi kayo nakakatulong. Umayos kayo.”