Statement of Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, Partido Liberal president, on Independence Day

We celebrate the 120th Anniversary of the Proclamation of Philippine Independence amid stark challenges and abiding aspirations as a nation, particularly the blatant violations to our territory and our resources, and consequently to our rights as a free people.

Not since World War II have we faced such a serious threat to our sovereignty, to the very definition of who we are, to our very existence and survival as a country.

Ngayong Araw ng Kalayaan, naghahanap ng kasagutan ang mga tanong na ito: Duyan tayo ng magiting, sumpa natin ay hindi tayo pasisiil pero bakit tila alipin umasta sa harap ng China ang mga namumuno? Bakit nila isinasantabi ang mga pangangailangan ng ating mga kababayang mangingisda? Nasaan ang pagtupad sa sinumpaang tungkuling pangalagaan at proteksyunan ang mga karapatan nating mamamayang pinagmumulan ng kanilang kapangyarihan?

Why are our leaders kowtowing to a neighbor at the expense of our own people, our own waters, our own self-respect?

Today, we remember our heroes, those who willingly gave their lives for the cause not just of nationhood, but more so the cause of self-determination toward a peaceful and prosperous society where citizens can freely and safely express their thoughts, religion, political beliefs; where workers and young people enjoy equal opportunities for growth; and where economic growth is felt especially by the poorest.

Today, we affirm our commitment to the same dream and stay the course.

Padayon, magiting na kapwa Pilipino at Pilipina!

**

Ipinagdiriwang natin ang ika-120 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas sa gitna ng mga klarong pagsubok at matibay na hangarin bilang isang bansa, partikular sa mga maliwanag na paglabag sa ating teritoryo at yaman, at bunga nito ang ating karapatan bilang malayang bayan.

Hindi pa ulit mula pa World War II na hinarap natin ang ganito kabigat na banta sa ating soberanya, sa mismong kahulugan ng ating pagkatao, sa mismong buhay at kaligtasan natin bilang bansa.

Today, Independence Day, these questions are begging for answers: We are the cradle of the courageous, and our oath is we won’t allow oppression, so why do the leaders behave like slaves before China? Why are they casting off the needs of our fishermen? Where is the realization of the avowed duty to nurture and protect our rights as citizens who are source of their power?

Bakit naglulumuhod ang ating mga pinuno sa isang karatig-bansa sa kapinsalaan ng ating sariling mamamayan, ng ating karagatan, at ng ating respeto sa sarili?

Ngayon, ginugunita natin ang ating mga bayani, ang mga nagbuwis ng kanilang buhay hindi lang para sa pagkabansa, ngunit lalo na sa pagpapanday ng sariling kinabukasan tungo sa isang mapayapa at maunlad na lipunan kung saan malaya at ligtas na nakakapagpahayag ang mga mamamayan ng kanilang saloobin, pananampalataya, pulitikal na paniniwala; kung saan tinatamasa ng mga manggagawa at kabataan ang patas na oportunidad para umunlad; at kung saan nadarama ang pag-unlad lalo na ng pinakamahihirap.

Ngayon, naninindigan tayo sa pangarap na ito at sa pagkamit nito.

Forward, brave fellow Filipino men and women!