Statement of Erin Tanada, Partido Liberal vice president for external affairs, On Duterte saying he will resign

It is not up to the President, and especially not a junta, to decide who takes his place when he steps down. Our Constitution clearly provides that it should be the Vice President.

We wonder who at this point is still taking the President to his words, given that he threatens to resign at least once a month? Last July alone, he said the he will step down if God is proven to exist. Last June, he said that he will resign if enough women protest his controversial kiss. Even during the start of his term, he said he will resign if the Philippines is not rid of drugs and criminality after 3 to 6 months. It has been more than two years since, and criminality is still rampant in the streets.

Who is likely to believe at this time that the President is telling the truth?

The President must remember he did not run to be president of an association or mayor of a city. The tasks as chief executive are gargantuan and thankless. This was what he signed up for.

The repeated threat of resignation also denigrates the presidency and the mandate given by the voters. The highest post in the land should not be treated like a club membership he can drop when he feels tired.

Let’s give the President the benefit of the doubt that this time, he meant what he said that he was thinking of stepping down because he is tired of chasing the corrupt in government. Our unsolicited advice: Just do it!

**

Hindi nakasalalay sa Pangulo, at lalong hindi sa isang junta, ang pagpasya kung sino ang papalit sa kanya sakaling bumaba siya sa pwesto. Malinaw na nakasaad sa ating Saligang Batas na dapat ang Vice President ang pumalit.

Pinagtataka nga natin kung sino sa puntong ito ang naniniwala pa sa kanyang mga sinasabi, habang nagbabanta siyang bumaba sa pwesto isang beses kada buwan? Nitong nakaraang Hulyo lamang, sabi niya bababa siya sa pwesto kapag napatunayang mayroong Diyos. Noong nakaraang Hunyo, sabi niya bababa siya sa pwesto kapag maraming babae ang nagprotesta sa kanyang kontrobersyal na halik. Kahit na noong simula ng kanyang termino, sabi niya magre-resign siya kapag hindi nawala ang droga at kriminalidad sa Pilipinas pagkatapos ng tqtlo hanggang anim na buwan. Mahigit dalawang taon na mula noon, at laganap pa rin ang kriminalidad sa mga lansangan.

Sino ang maniniwala ngayon kung nagsasabi nga ba ng katotohanan ang Pangulo?

Dapat tandaan ng Pangulo na hindi siya tumakbo para maging presidente ng isang asosasyon o alkalde ng isang lungsod. Ang tungkulin ng isang chief executive ay napakalaki at napakahirap. Ito ang kanyang pinasukan.

Nilalapastangan ng paulit-ulit na banta na mag-resign ang pagkapangulo at ang mandato nito sa mga botante. Hindi dapat itinatrato na parang club membership ang pinakamataas na pwesto sa bansa na pwede na lang niya basta-basta bitawan kapag naramdaman niyang napapagod na siya.

Ibigay natin sa Pangulo ang ‘benefit of the doubt’ na sa pagkakataong ito, tapat siya sa sinasabi niyang pinag-iisipan niya na bumaba sa pwesto dahil pagod na siya sa kakahabol sa mga tiwali sa pamahalaan. Ang ating unsolicited advice: Gawin mo na!