We appeal to our colleagues at the Senate and the House of Representatives to approve the proposed budget for the Commission on Human Rights (CHR) for 2018.
Amid earlier reports, CHR chairperson Chito Gascon has expressed worry that the rights body will be given zero or a thousand budget in the ongoing deliberations at the House.
The proposed budget for CHR is in fact less than half of the appropriations it earlier asked the Department of Budget and Management.
Any cuts in its budget would undermine the ability of the country’s watchdog to fight a rising tide of killings and other human rights violations.
We have to recognize the unique character of the CHR in our society. As the “conscience of the government,” it is the CHR’s duty to protect the citizens’ rights from abuses by the state, such as the government, police, and military.
This goes without saying that it will not turn a blind eye on similar abuses where the victims are law enforcers or government personnel.
We certainly don’t want a state human rights watchdog that can’t bark or can’t bite to defend and fight for the human rights of Filipinos.
—
Nananawagan kami sa mga kasamahan namin sa Senado at sa Kamara de Representantes na aprubahan ang panukalang budget ng Commission on Human Rights (CHR) para sa taong 2018.
Sa gitna ng mga napabalitang ulat, ipinahayag ni CHR Chairperson Chito Gascon ang kanyang pagkabahala na bigyan ng zero o kaya naman ay isang libong pisong budget ang CHR sa pagpapatuloy ng mga deliberasyon sa Kamara.
Ang panukalang budget ng CHR ay wala pa sa kalahati ng appropriations na nauna nang hiningi sa Department of Budget and Management.
Ang anumang pagbawas sa budget ay magpapahina sa kakayahang ng tagapagbantay ng ating bayan na labanan ang lumalala at paparaming mga patayan at iba pang mga paglabag sa karapatang pantao.
Kailangan nating kilalanin ang natatanging papel ng CHR sa ating lipunan. Bilang “kunsensya ng pamahalaan,” tungkulin ng CHR na pangalagaan ang karapatan ng mamamayan mula sa pang-aabuso ng estado, kabilang na ang pamahalaan, kapulisan, at ang militar.
Hindi rin nito ipagsasawalang-kibo ang mga pang-aabuso kung saan ang mga biktima ay mga tagapagpatupad ng batas o mga manggagawa sa gobyerno.
Lalong hindi natin nanaisin ang isang human rights watchdog na walang ipin upang ipagtanggol at ipaglaban ang karapatang pantao ng mga Pilipino.