We have the right to name our children because we have duties toward them, including protecting them. That’s why, similarly, we can’t simply be dismissive about China’s naming of five seamounts within the Philippine Rise. Philippine Rise is within our territory and we should be the one to label it and parts of it.
If names are not so important, then why did President Duterte bother to issue Executive Order No. 25 to rename Benham Rise to Philippine Rise? Giving it a label carrying the name of the country emphasizes Philippine sovereign right and jurisdiction over the area. That’s how important a name is.
The five names submitted by Beijing in 2014 and 2016 have been approved by the International Hydrographic Organization, which means that they are now internationally recognized.
China is not exactly the most trustworthy neighbor. Downplaying this move of naming seamounts could just surprise us one day that they have built structures on them, like what they did to other territories under dispute in the West Philippine Sea.
**
May karapatan tayong pangalanan ang ating mga anak dahil may mga tungkulin tayo sa kanila, kasama na ang protektahan sila. Kaya hindi rin natin pupuwedeng balewalain na lamang ang pagpapangalan ng China sa limang seamounts sa loob ng Philippine Rise. Sakop sa ating teritoryo ang Philippine Rise at tayo dapat ang nagbibigay ng pangalan dito at sa mga bahagi nito.
Kung hindi mahalaga ang pagpapangalan, bakit nag-abala pa si Pangulong Duterte na magpalabas ng Executive Order No. 25 para pangalanan ang Benham Rise na Philippine Rise? Ang pagpapangalan dito na dala-dala ang pangalan ng bansa ay nagbibigay-diin sa sovereign right at jurisdiction ng Pilipinas sa lugar. Ganyan kaimportante ang pangalan.
Aprubado ng International Hydrographic Organization ang limang pangalang sinumite ng Beijing noong 2014 at 2016, na ibig sabihin kinikilala na siya internationally.
Hindi gaanong katiwa-tiwala ang China bilang karatig-bansa. Sa di-pagbibigay halaga sa pagpapangalan sa mga seamounts na ito, maaaring bumulaga na lang sa atin isang araw na nakapagpatayo na sila ng mga istraktura sa mga ito, tulad ng mga ginawa nila sa ibang mga teritoryo pinag-aagawan sa West Philippine Sea.