Sibakin ang nagbibigay ng mali, gawa-gawang intel report tungkol sa LP: Pangilinan

Kung sinuman ang nagbibigay ng mga mali-mali at gawa-gawang intelligence report sa Pangulo ay dapat sibakin. Dapat binibigyan nila ng tamang impormasyong kailangan niyang malaman, hindi kaduda-dudang impormasyong tingin nilang gusto niyang marinig. Bilyon ang ginagastos sa intelligence funds, tapos gawa-gawa lang ang nasasagap na info.

Nung panahon ni Marcos, ‘yan din ang bintang ng diktador sa LP, na may sabwatan sa mga komunista para i-justify ang martial law.

Sa halip na hanapan ng solusyon sa lumalalang krisis sa presyo ng bigas at sa ekonomiya, naghahanap ng paraan na ilihis ang usapin sa tunay na problema ng bansa. Ang palpak at tiwaling palakad sa ekonomiya ang dapat ayusin.

**

Whoever is giving the President false and manufactured intelligence reports must be fired. They should be giving him accurate information that he needs to know rather than dubious information that they think he would like to hear. Billions are spent on intelligence funds for fabricated information.

During the Marcos regime, the dictator made the same accusations against LP, that there was collusion with the communists to justify martial law.

Instead of finding solutions to the worsening crisis in the price of rice and the economy, ways are being made to divert attention from the real problem of the country. The incompetent and corrupt handling of the economy should be remedied.