“Unjustly detained and now held incommunicado for over a month, we reiterate our call to restore Senator Leila de Lima’s right to be seen and be heard by her family, friends, and associates.
The coronavirus pandemic must not deprive Sen. Leila of her right to information, vital health services, and communication with her loved ones. These rights know no lockdown and should be respected.
The visits and communication are essential to allow Sen. Leila to continue fulfilling her duties as a Senator of the Republic, which she pursues despite being behind bars.
Despite being turned down for her repeated initiatives and pleas to be allowed to take part in the Senate hearings and sessions through electronic means, Sen. Leila carried on with her tasks as can be seen from her statements and the bills and resolutions she has filed.
We trust that the regular visitations would be restored, adhering to fair and reasonable rules, and with regard to health protocols.
We cannot allow Sen. De Lima incommunicado for long as the world is watching and is one with our demand for her freedom.”
“Hindi makatarungang ipinakulong at ngayo’y higit isang buwan nang walang komunikasyon sa labas ng piitan si Senator Leila de Lima. Inuulit natin ang panawagang ibalik ang karapatan niya na makita at mapakinggan ng kanyang mga pamilya, kaibigan, at mga kasamahan.
Hindi dapat alisin ng pandemya kay Sen. Leila ang karapatan niya sa impormasyon, mahalagang serbisyong pangkalusugan, at komunikasyon sa kanyang mga mahal sa buhay. Walang kinikilalang lockdown ang mga karapatang ito at dapat itong galangin.
Mahalaga ang mga pagbisita at komunikasyon para patuloy na gampanan ni Sen. Leila ang kanyang tungkulin bilang Senador ng Republika, na kanyang ginagampanan sa kabila ng kanyang pagkakakulong.
Kahit na maraming beses na pinagkaila sa kanya ang mga inisyatiba at pakiusap na makalahok sa mga pagdinig at sesyon sa Senado sa pamamagitan ng Internet, ipinagpatuloy pa rin ni Sen. Leila ang kanyang mga gawain na kitang-kita sa kanyang mga pahayag at mga panukalang batas at resolusyon na kanyang inihain.
Tiwala kami na maibabalik ang mga regular na pagbisita, na umaayon sa patas at makatuwirang patakaran, at may pagsaalang-alang sa mga health protocol.
Hindi dapat incommunicado si Sen. De Lima hangga’t ang buong mundo ay nakikiisa sa ating hiling para sa kanyang kalayaan.”