Partido Liberal on World AIDS Day: Access to safe, effective, affordable health care for all

We join the people of all nations in celebration of World AIDS 2017, which promotes the theme “Right to Health.”

The theme highlights the desire of everyone, including Filipinos, for access to safe, effective, affordable, and quality medicines, health commodities and health care services.

The statistics on the prevalence of HIV-AIDS in the country is alarming, especially the so-called millennials, more of whom are being diagnosed with HIV. The Department of Health (DOH) reported that in April this year, 80 percent of the newly diagnosed cases belong to the 15 to 34 age group.

No one should be left behind, especially the youth, not only in the fight against HIV-AIDS, but in access to health care and in ensuring a healthy environment for all.

Working together, we can achieve our goals of reducing new HIV infections, improving health outcomes of patients, increasing access to care, and building a comprehensive and immediate response to HIV.

Let us remember those who passed on because of HIV-AIDS, and let us continue to support the people living with HIV. Let us also recognize the advocates, care providers, doctors, nurses, and researchers, who are all working to help find a cure to HIV-AIDS.

**

Nakikiisa tayo sa mga mamamayan ng buong mundo sa pagdiriwang ng World AIDS Day 2017, na may temang “Right to Health.”

Binibigyang-diin ng tema ang nais ng lahat, kasama ang mga Pilipino, na magkaroon ng access sa ligtas, mabisa, abot-kaya, at dekalidad na gamot, at mga kalakal at serbisyong pangkalusugan.

Nakakabahala ang estatistika sa paglaganap ng HIV-AIDS sa bansa, lalo na sa mga millennials, na marami na ang nada-diagnose na may HIV. Iniulat ng Department of Health (DOH) na noong Abril ng taong ito, 80 porsyento ng mga bagong diagnosed ay kabilang sa 15 hanggang 34 na age group.

Walang sinuman ang dapat mapabayaan, lalo na ang mga kabataan, hindi lang sa laban kontra HIV-AIDS, kundi sa access sa health care at sa pagseguro ng isang masiglang kapaligiran para sa lahat.

Sa ating pakikipagtulungan, kaya nating makamit ang ating layunin na mabawasan ang mga bagong kaso ng HIV infection, pagpapagaling ng mga pasyente, pagpapadagdag ng access sa health care, at pagbubuo ng isang komprehensibo at agarang aksyon sa HIV.

Ating alalahanin ang mga yumao dahil sa HIV-AIDS, at ipagpatuloy natin ang pagtulong sa mga taong namumuhay na may HIV. Kilalanin din natin ang mga advocate, care provider, doktor, nars, at tagapagsaliksik, na tumutulong upang mahanapan ng lunas ang HIV-AIDS