Partido Liberal statement on Revolutionary Government

We mark the 154th birth anniversary of Andres Bonifacio, one of the country’s most revered freedom fighters, against the backdrop of talks of a revolutionary government under this administration.

Such talks or threats by top government officials cheapen the gallantry and sacrifices of our heroes, who have fought for self-determination and social order, freedom and democracy now being enjoyed by Filipinos.

The phantom of chaos, destabilization, and ouster raised by the administration can be dealt with under the present Constitution. A revolutionary government is not an option under the Constitution, unless the real intention is an authoritarian rule, which will bring us back to the dark ages.

There seems to be an intention to confuse the public with mixed messages. There are various pronouncements about a revolutionary government which in turn are further muddled when interpreted by his spokespersons.

We appeal to this government to categorically state that it would not declare a revolutionary government to once and for all lay to rest the apprehension of the people.

This Bonifacio Day, let us be aware of the difference between true and fake heroes, especially because the dictator’s remains are sullying the memory and sacrifices of the real heroes buried at the Libingan Ng Mga Bayani.

**

Ginugunita natin ngayong araw ang ika-154 na kaarawan ni Andres Bonifacio, isa sa mga pinagpipitagang bayani ng ating bansa, sa kabila ng mga pag-uusap hinggil sa revolutionary government sa ilalim ng administrasyong ito.

Minamaliit ng ganitong mga usapin o pagbabanta ng matataas na opisyal ng pamahalaan ang katapangan at sakripisyo ng ating mga bayani na lumaban para sa kasarinlan at kaayusan sa lipunan, sa kalayaan at demokrasya na ngayo’y tinatamasa ng mga Pilipino.

Ang multo ng kaguluhan, destabilisasyon, at pagpapatalsik na idinadaing ng administrasyon ay kayang remedyohan sa ilalim ng kasalukuyang Konstitusyon. Hindi opsyon ang isang rebolusyonaryong gobyerno sa ilalim ng Konstitusyon, maliban kung ang tunay na layunin ay isang diktadura, na magbabalik sa atin sa madilim na kabanata ng ating panahon.

Mukhang may layuning lituhin ang publiko sa pamamagitan ng magkakahalu-halong mga mensahe. Mayroong iba’t ibang pahayag tungkol sa isang revolutionary government, na siya lalong nagbibigay ng kalituhan kapag pinapakahulugan ng kanyang mga tagapagsalita.

Nananawagan tayo sa pamahalaang ito na sabihin nang walang pasubali na hindi ito magdedeklara ng isang revolutionary government upang mawakasan na ang agam-agam ng mamamayan.

Ngayong Bonifacio Day, maging mulat din tayo sa pagkakaiba ng mga tunay at huwad na bayani, lalo na dahil dinudungisan ng mga labi ng diktador ang alaala at sakripisyo ng mga tunay na bayaning nakahimlay sa Libingan ng mga Bayani.