Partido Liberal officials are confident the manual recount of votes by the Presidential Electoral Tribunal (PET) that started Monday will confirm Filipinos chose Vice President Leni Robredo.
“Kolektibong hangarin namin na mananaig sa resulta ng recount ang tunay na saloobin ng mga Pilipino, at yan ay binoto nila si Leni Robredo para Bise Presidente,” said Sen. Paolo Benigno “Bam” Aquino.
“Umaasa tayo na ang proseso ng pag-recount ay magiging maayos, tapat, at ang kalalabasan ay igagalang ng magkabilang panig at ng kanilang mga tagasuporta,” Senator Aquino added.
Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, Partido Liberal president, said the recount should lay to rest questions about the May 2016 elections.
“Higit sa lahat, tuldukan na natin ang mga agam-agam sa May 2016 elections na maaaring makaapekto sa integridad ng ating electoral system. Ang susunod na pambansang eleksyon ay 13 buwan na lamang mula ngayon. Mahalaga na may tiwala at kumpyansa ang mga botanteng Pilipino sa electoral infrastructure at process,” Senator Pangilinan said.
“Napakalaki ng tungkuling kinakaharap natin, lalo na para sa ating mga lider tulad ni Vice President Robredo. Nililihis tayo ng recount sa pagtatrabaho para sa kapakanan ng mga Pilipino,” Senator Pangilinan added.
Former Quezon Representative Erin Tanada said the recount is part of the Marcoses’ continuing desperate attempt to rewrite history.
“Inumpisahan nila sa paglibing sa isang diktador sa Libingan ng mga Bayani. Ngayon, gusto naman nilang bumalik sa kapangyarihan para baguhin ang kasaysayan na bangungot ng martial law ni Marcos,” said Tanada, Partido Liberal vice president for external affairs.
“Maraming pang-aabuso sa karapatang pantao ang ginawa ni Marcos at ng kanyang mga kroni: Iligal na pag-aresto, pagkulong, at maging pagpatay sa mga pwersa ng oposisyon. Sinara at pinalitan din nila ang pamamahala sa mga pahayagan at mga istasyon ng radyo at telebisyon. Limpak-limpak ang ninakaw nilang pera ng bayan,” Tanada added.