PARTIDO LIBERAL NG PILIPINAS REPORT OF PARTIDO LIBERAL PRESIDENT SEN. FRANCIS “KIKO” PANGILINAN FOR THE NATIONAL EXECUTIVE COUNCIL (NECO) MEETING

PARTIDO LIBERAL NG PILIPINAS
REPORT OF PARTIDO LIBERAL PRESIDENT
SEN. FRANCIS “KIKO”PANGILINAN
FOR THE NATIONAL EXECUTIVE COUNCIL (NECO) MEETING

25 SEPTEMBER 2018

Mahal kong mga kasamahan sa Partido Liberal, magandang umaga po sa kanilang lahat! Magandang umaga rin sa ating mga bagong kasapi! Sa mga galing sa Cavite! Sa mga galing sa Bulacan! Sa mga galing sa Laguna! Hindi lang natin maisama rito ang ating mga kasamahan sa mas malayo pang probinsya, pero nanonood sila nang live sa Facebook ngayon! Magandang umaga sa ating lahat!

Nag-iiba na ang anyo ng Partido Liberal. Dati, ang hugot line sa atin ay: Ulap ka ba LP? Kasi puro lang kayo pulitiko kaya di kita gaano ma-reach.

Nagbabago na ang Liberal. Ito pa lang ating National Executive Council meeting, iba na. Dahil ngayon, kasama natin ang mga bagong kasapi ng Liberal, mga karaniwang mamamayan na sumali sa atin habang ang iba ay umaalis at lumilipat bakod, ika nga, kayo ay sumali, naniniwala sila — tayo — na ang tunay na pagbabago ay nasa kamay ng mamamayan.

Matapos tayong iwan ng mga dati nating ka-Partido noong 2016 at patuloy pa rin tayong iniiwan ngayon, nagsagawa naman tayo ng malawakang recruitment sa iba’t-ibang sektor sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas pati na rin sa Hong Kong.

Maaaring may naniniwala pa rin sa maling akala na elitista ang Partido. Our members are still articulate and respectful, pero hindi elitista.

Tuloy-tuloy ang pagbabago ng partido.

Ano ang gumagawa ng pagbabago? Sa anumang bagay, tulad ng sa partido, dalawang bagay: Ang bumubuo nito at ang ginagawa nito. ‘Yan ang pagbabago. Content and action.

Seeking to transform from the so-called party of politicians to a party of, for and by the people, we have opened the party doors to non-politicians across various sectors. Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng mga partido pulitikal sa bansa inilunsad ng LP ang online recruitment ng mga miyembro nung nakaraang Enero. Ang resulta? We now have 8,059 members mula sa online recruitment natin at 2,275 dito ay ni-recruit din ng mga online members.

Nag-iiba na tayo sa content, nag-iiba na rin tayo sa pagkilos.

To integrate the new non-politician members, we’ve had 11 BOLDs with oath-taking. BOLD stands for Basic Orientation on Liberal Democracy. Aside from BOLD events in Balay, we’ve had BOLDs in Davao provinces (4), Naga (2), Bulacan (2), Cavite (2), Laguna, Iloilo/Bacolod, Tacloban, Pampanga, and Catarman with an average 35 persons per BOLD. We’ve had a number of BOLD seminars in Metro Manila and Cebu.

The oath-taking, which formalizes membership, we’ve had 26 stand-alones from November 2017, for a total of 37. That’s more than 3 a month or almost weekly oath-takings since November.

Sabi ko nga kay Sec Butch Abad, di magtatagal, hindi na natin makikilala ang nakagisnan nating LP.

To recast the party into one that is truly people-centered, we’ve conducted facilitator and organizer trainings. This is why we’ve been able to organize BOLDs and Café Malaya and Café Liberal discussion groups.

We’ve had these small coffee-shop discussions on issues that touch the heart and soul of our people. We’ve had 12 in Metro Manila, 5 in Cebu, and one in Baguio and Iloilo. Through these, we heard first-hand stories about our citizens’ concerns. Ang mga title ng mga Freedom Space Events natin ay mga kwentong EDSA People Power, misogyny, quo warranto, droga at EJK, mga kwentong dilawan, ‘Ganito kami noon, paano ba kayo ngayon?’, mga kwentong martial law, at iba pa.

Naka ilang mobilizations din tayo. Particular issues like the quo warranto in Baguio last April, the EDSA People Power celebration, and the 45th martial law commemoration. We have joined and supported mass actions that reflect party principles to build solidarity.

We have to thank the workhorses of our party for these actions: Ariel Tanangonan, Teddy Lopez, Karry Sison, Henry Bacurnay, Argee Gallardo, and Representatives Ted Baguilat, Bolet Banal, Egay Erice, and Kit Belmonte, our party secretary-general. We thank the rest of the LPHQ staff.

We’ve tried to connect to our members through our monthly electronic newsletter. We have opened several FB, Viber, and Telegram chat groups, allowing our members to meet up with one another.

Our social media presence has grown across all platforms since we started handling it in March (2017).

Increased in Facebook likes, thousands of followers, on Twitter and IG. The party is engaging more on social media, 44% increase in our average comments since last year, more likes, more love and more shares.

Sa traditional media, mas pinalawak din natin ang ating boses bilang Liberal. Dahil sa ating mga statements at pagkilos, kino-cover tayo sa mga dyaryo, TV, at radyo.

Ginagawa natin ang mga ito para palakasin ang ating hanay, at totohanin ang isang Liberal at progresibong Pilipinas — isang Pilipinas kung saan ang lahat ng mga Pilipino, anuman ang edad, kasarian, uri, relihiyon ay pinahahalagahan, pati ang kanilang pananaw, boses, at boto.

We are doing these because our people are still poor. An estimated 2.2 million families or 9.4% experienced involuntary hunger at least once in the 2nd quarter of this year, (according to the June 2018 SWS survey.) Ang ibig sabihin, gutom dahil kulang ang pagkain.

The number of those who have experienced severe hunger rose from 18 percent to 31 percent, year on year.

There are people in the world so hungry, that God cannot appear to them except in the form of bread, sabi ni Gandhi.

Hindi ito nalalayo sa testimonya ng isang tatay na tumanggap ng P300 para iboto ang isang kandidato. Para sa kanya, noong araw na iyon, naitawid ng kandidatong ito ang hapunan ng kanyang pamilya, kaya’t may isang boto ang kandidato.

Lumalala ang sitwasyon. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maubos-maisip kung papaano naatim ng isang nanay na ibugaw ang kanyang sariling anak para pambili ng pagkain. Marahil, walang batas at walang moralidad sa taong gutom.

Ganito ang nangyari sa ating ekonomiya nang nakaraang dalawang taon: Tumaas ang inflation, bumagsak ang piso, ang ranggo natin sa corruption sa international community ay umangat, mas marami po ang nagugutom.

We are a nation confronted by natural, and sadly, man-made, calamities. Kung hindi bagyo at baha, merong bulkang sumasabog, meron ding lindol — sumisira ng buhay at ng bahay, tanim, at kalye. Nilibing nang buhay ang pami-pamilya ng lupang pinahina ng mining at quarrying. Mataas ang presyo ng bilihin. Kulang na kulang ang NFA rice sa mga palengke. Marami ang walang trabaho.

Patuloy pa ring inaaangkin ang buhay ng mga walang-sala ang war on drugs. Kinukulong at pinagbibintangang destabilizers ang mga kritiko ng mga makapangyarihan. May mga pagbobomba pa rin sa kabila ng batas-militar. Gusto pa ring kalikutin ang ating Saligang-Batas.

Bilang isang partido, nahaharap tayo sa hamong ito: Paano magbibigay inspirasyon sa mga taong masyadong abala sa paghahanap-buhay? Na sawa na sa bangayan sa pulitika? Na hindi nakikialam dahil walang nakikitang pag-asa?

Our response? In barely nine months, the mid-term election is coming. And the election in the Philippines has been about personalities, largely resources, and power — not character, values, or programs.

Ang mga pulitiko sa Pilipinas, karamihan sabi nila parang balimbing. Minsan prutas, minsan tao.

Mamaya, i-a-announce natin ang unang tatlong nominado ng ating partido sa 2019 senatorial elections. Kakaibang mga pulitiko. Kakaibang pagkatao. May paninindigan. May paggalang. May isang salita. Mga epektibong pinuno at lingkod-bayan na magbibigay pag-asa, magbibigay solusyon, magbibigay tagumpay.

Ngayon, ang tanong sa ating lahat: Paano natin makakamit ang tagumpay ng ating mga kandidato, na tagumpay din ‘di lang ng ating partido, kundi pati rin ng ating bayan, at ng kinabukasan ng ating mga anak?

The old, tired ways will not do and must be discarded. We must be willing to do things differently. We must be willing to try and test new methods never employed before. We must be willing to risk, to dare, to change the way we do things if we are to inspire our citizens to purposeful action.

The choice of the party is clear. We either inspire our citizens to act or be rendered irrelevant and obsolete.

Sa susunod na tatlong buwan, magkakaroon tayo ng isang listening campaign, an unprecedented and historic political project that will hopefully help change Philippine politics. Ang lahat ng ating mga ginawang organizing efforts nang nakaraang taon, ise-scale up natin, both in terms of number of people reached and technology used.

Project Makinig is a modern listening nationwide campaign conducted to reconnect Partido Liberal with Filipino citizens, redefine the party, and inspire citizens to action. Hinihikayat namin ang lahat na suportahan ito. Merong booth dyan sa may likod kung saan pwede kayong mag-register para makapag-volunteer sa proyektong ito at maging bahagi sa paghubog ng kasaysayan.

Hindi inaasahan ng mga Pilipino sa gobyerno ang lahat ng kanilang mga problema’y malutas. Naghahangad lang sila — tayo — ng kalayaan mula sa kahirapan. Gusto lang nila ng patas na laban. Gusto lang nila ng pagkakataon. Gusto lang nila na may pagpipilian.

Sa darating na halalan, iaalok natin sa kanila ang ating mga pambato. Pagkakataon na natin para sagutin ang hamon ng panahon:

In parting, allow me to quote the words from the Filipino translation of the musical “Les Miserables”.

“Di niyo ba naririnig tinig ng bayan na galit?

Himig ito ng Pilipinong di muli palulupig.

Dudurugin ang dilim, ang araw ay mag-aalab

At ang mga pusong nagtimpi ay magliliyab.”

Magandang umaga sa ating lahat. Mabuhay ang Partido Liberal at maraming salamat po!