PAHAYAG NG LAPIAN NG MGA LIBERAL NA KABATAAN NG PILIPINAS UKOL SA PAGPAPASYA SA KASO NI MARIA RESSA NG RAPPLER

Hindi nakagagalit, hindi rin  nakalulungkot, bagkus, ang araw na ito ay nakapapagod. Pinaaalala nito na, sa ilalim ng rehimeng Duterte, hindi kailanman rerespetuhin ang kalayaan ng mga mamamahayag na gawin ang kanilang trabaho. Pagkatapos mapabagsak ang Inquirer, ABS-CBN, at ngayon, ang Rappler at ang kanilang CEO na si Maria Ressa, isa lang ang klaro: ang sinumang susubok buksan ang mata ng tao sa kanilang mga pagkakamali at pang-aabuso ay walang-awang paparusahan gamit ang buong lakas ng estado. 

Sa pilit nilang pilayan ang midya, sa pilit nilang tanggalin sa lahat ang kanilang karapatan at obligasyon na ibahagi ang katotohanan, iisa lang ang kanilang iniiwan na marka — ang marka ng isang pasista.

Hindi na bago ang kwentong ito — ang kwento kung saan ang batas ay binabaluktot para sa interes ng mga nasa poder, upang palaguin at protektahan ang kanilang mga interes. Nakita na natin to para kay Imelda Marcos, mga may kaugnayan kay Duterte katulad nila Debold Sinas, Mocha Uson, Koko Pimentel, atbp. Muli nating nakikita ang isa na namang lumang stratehiya, ang paggamit ng isang teorya na walang basehan, at pinapasa bilang isang “teknikalidad” — kung saan ang pagpapalit lamang ng typographical error ay “substantial modification” na pala.

Sa mga salita nga ni Prof. Vergel Santos, ang mga pangyayaring ito ay isa na namang halimbawa ng “maling pagkakaintindi ng estado sa kanilang kapangyarihan”. At sa mga salita nga ni Ressa, dahil sa trabaho ng mamamahayag na “siguraduhin na may pananagutan ang pamahalaan”, minsan ay dahil sa pagkalulong nila sa kanilang kapangyarihan (katulad nito), nakakalimutan na nila ang kanilang tungkulin sa taumbayan. Huwag natin kalimutan na ang ating midya ay may tungkulin na maghatid ng mga tanong upang mapalakas pa ang mga patakaran ng gobyerno gamit ang pananaw ng lipunan. 

Ngunit higit sa lahat, isa lamang ang dapat nating alalahanin:

Tuloy ang laban, para sa malayang pamamahayag, para sa kalayaan ng bawat Pilipino, at para sa ating karapatan sa katotohanan.

 

—————————————————

Contact Person:
Nathan Figueroa
LY Secretary General
09753069680
[email protected]

Pamahayag sa Lapian ng mga Kabataang Liberal ng Pilipinas sa hukom sa kaso ni Maria Ressa sa Rappler
 
Dili makalagot, dili pod makaguol, apan, ang kini nga adlaw makapakapoy. Gipasidan-an niini nga, sa ilalom sa rehimeng Duterte, dili kanus-a man respetuhon ang kagawasan sa mga mamamahayag nga buhaton ang ilang trabaho. 
 
Pagkahuman mapahagba ang Inquirer, ABS-CBN, ug karon, ang Rappler ug ang ilang CEO na si Maria Ressa, usa lang ang klaro: Ang kinsa mang musulay ablihan ang mata sa tawo sa ilang mga sayop ug pang-abusar wala’y kalooy na silutan gamit ang tibuok kusog sa Estado.
 
Sa pugos nilang pungkolan ang media, sa pugos nilang tangtangon sa tanan ang ilang katungod ug obligasyon sa paghatud sa kamatouran, usa ra ang ilang gibilin na marka – ang marka sa usa ka pasista.
 
Dili na bag-o ang kini nga estorya – Ang estorya nga diin ang  balaod gi baliktad para sa interes ng mga naa sa poder — arun palambuon ug protektahan ang ilang mga interes. Nakita na nato kini  kang Imelda Marcos, mga adunay kalambigitan kang Duterte, pareha nila Debold Sinas, Mocha Uson, Koko Pimentel, atbp. 
 
Atong nakita pag-usab ang usa na pod ka karaang stratehiya, ang paggamit sa usa ka teorya nga wala’y basehan, ug gipasa isip usa ka “teknikalidad” – nga hain ang pag-ilis lamang sa typographical nga sayop usa na ka diay “substantial modification.”
 
Sa mga estorya gani ni Prof. Vergel Santos, ang kini nga mga panghitabo usa napod ka pananglitan sa “Sayup nga pag sabot sa Estado sa ilang gahum”. Ug sa mga pulong gani ni Ressa, tungod sa trabaho sa mamamahayag nga “siguraduhon na adunay tulobagon ang gobyerno”, usahay kay tungod sa pagka preso nila sa ilang gahum (pareha niini), nalimtan na nila ang ilang buluhaton sa katawhan. Dili nato kalimtan nga ang media adunay buluhaton sa paghatod og mga pangutana aron mapakusog pa ang mga patakaran sa gobyerno gamit ang ideya sa katilingban.
 
Apan labaw sa tanan, usa lamang ang angay natong huna-hunaon:
 
Padayon ang pakigbisog para sa gawasnong pamamahayag, para sa kagawasan sa tanang Pilipino, ug para sa atong katungod sa kamatuoran.

—————————————————

Contact Person:
Nathan Figueroa
LY Secretary General
09753069680
[email protected]