Democracy demands dissent. We need a strong opposition to ensure that our democracy remains vibrant. We hope to help build together the broadest coalition of groups and individuals united behind defending our freedoms and our civil and political rights. We hope this coalition is one in ensuring our economic development is not sidelined by corruption and human rights violations.
Resistance is our movement. We must vigorously resist the slide to authoritarianism and anti-democratic rule.
We will help in putting together a resistance coalition. Partido Liberal alone cannot achieve this. We will need to work with other groups and forces willing to unite and to resist extra-judicial killings and human rights abuses, the undermining of our sovereignty in the West Philippine Sea, and the continuing rise of prices of basic commodities, among others.
**
Inuutos ng demokrasya ang malayang pag-iisip, hindi ang pagiging sunud-sunuran. Kailangan natin ng malakas na oposisyon para matiyak na ang ating demokrasya ay mananatiling buhay. Umaasa tayong mabubuklod natin ang pinakamalawak na koalisyon ng mga grupo at indibidwal na nagkakaisang ipaglaban ang ating kalayaan at ang ating mga karapatang sibil at pulitikal. Umaasa tayo na itong koalisyon ay isa sa pagtiyak na ang pag-unlad ng ating ekonomiya ay hindi maisasantabi ng korapsyon at mga paglabag sa karapatang pantao.
Pagtutol sa hindi tama ang ating pagkilos. Masigasig nating lalabanan ang pagdausdos pabalik sa diktadurya at mapaniil na pamumuno.
Tutulong tayong magbuo ng isang koalisyong tumututol sa mali. Hindi ito kayang gawing mag-isa ng Partido Liberal. Kakailanganin nating magtrabaho kasama ang iba pang mga grupo at pwersa na nagnanais na makiisa at labanan ang mga extra-judicial killings at pang-aabuso sa karapatang pantao, pagpapawalang-bisa ng ating soberanya sa West Philippine Sea, at patuloy na pagtaas ng mga presyo ng bilihin, at iba pa.