Statement of Sen. Francis Pangilinan on 30th year of June Fourth Movement in China
Filipinos stand in solidarity with freedom-loving Chinese: Sen. Kiko
We stand in solidarity with all the freedom-loving peoples of China and the world as we commemorate the 30th year of the June Fourth Movement.
The massacre at the Tiananmen Square is a blatant reminder that people everywhere have the instinct for truth, justice, and freedom, and will fight against tyranny, repression, and impunity.
The struggle continues as basic human rights and freedoms are still obscured by state forces.
May the image of that young man who stood alone before a column of advancing tanks be forever be etched in our minds — an image of defiance, of determination, of courage to claim our inherent basic human rights and freedoms.
Kaisa ang mga Pilipino ng mga Tsinong nagmamahal sa kalayaan: Sen. Kiko
Nakikiisa kami sa lahat ng taong nagmamahal ng kalayaan sa Tsina at sa buong mundo habang inaalala natin ang ika-30 taon ng June Fourth Movement.
Ang masaker sa Tiananmen Square ay isang matinding paalala na ang tao ay may naturalesa para sa katotohanan, katarungan, at kalayaan, at lalabanan ang paniniil, panunupil, at pambabalahura.
Patuloy ang pakikibaka para sa mga pangunahing karapatang pantao at kalayaan na pinipigilan pa rin ng mga pwersa ng estado.
Nawa’y nakaukit sa ating diwa ang larawan ng binata na mag-isang nakatayo sa harap ng isang haligi ng pasulong na mga tangke — isang imahe ng pagtutol, tapang, at lakas ng loob upang angkinin ang ating likas na mga karapatang pantao at kalayaan.