PAHAYAG NG PARTIDO LIBERAL SA EID’L ADHA

Ang araw na ito ay mapupuno ng dasal, pagninilay, at pag-alay ng sarili sa kapwa. Ipinaaalala ng sakripisyo ni Abraham ang kahalagahan ng tapang, tiwala, at lakas ng loob, lalo na sa mga pinakamabigat na panahon ng pagsubok.

Sa gitna ng karahasang nagaganap sa ating bansa, lalo na sa pinagdadaanan ng ating mga kapatid sa Mindanao – partikular na sa Marawi – may aral na mapupulot sa kwento ni Abraham, at sa kanyang taos-pusong pagtitiwala sa kapangyarihan ng pananampalataya.

Nakikiisa ang Partido Liberal sa ating mga kababayang Muslim sa pagdiriwang ng Eid’l Adha. Eid Mubarak!