In a Liberal Party (LP) dispatch sent out to members today, Liberal Party Secretary General Kit Belmonte (6th district, Quezon City) on Saturday urged party members to help out with COVID-19 response in their respective communities.
The LP has built 95 chapters with almost 10,000 active members across the country. Below is the full text of the dispatch in Filipino, signed by Belmonte:
“Pagbati, mga kasama:
Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan. As of March 31, 2020, dagsa pa rin sa tanggapan ng ating party chairperson na si VP Leni ang mga donasyon para sa ating front-liners, habang patuloy naman ang trabaho ng mga kasama natin sa House of Representatives at Senado sa pagsigurong tututukan ng pamahalaan ang agaran at malinaw na pagtugon sa COVID-19.
Alam kong marami sa inyo ang nais tumulong, kaya hayaan ninyong pormal kong ibigay ang aking go signal sa anumang mga proyekto ng inyong chapters. Sa ngayon, priority ang sarili ninyong kaligtasan, ang kaligtasan at pagkalinga sa ating mga medical professionals na pinaka-at risk sa coronavirus na ito, at ang pagbibigay-ayuda sa mga maralitang komunidad na iniintindi ang mga pangangailangan. Ilan sa mga pwede ninyong gawin para sa kanila ay ang mga sumusunod:
(1) Fundraising at donation drive para sa karagdagang personal protective equipment (o PPE) ng ating mga health-care workers, sa pamamagitan ng monetary donations o kaya ay materyales para sa paggawa ng alternative na PPEs (gaya ng tela, atbp).
(2) Production drive ng mga do-it-yourself na face masks, face shields, at disinfection supplies. Marami na ang nag-share ng sari-saring paraan upang makagawa ng alternatibong mask at face shield. Home-made man, malaking tulong pa rin ang mga ito na ibsan ng kakulangan ng suplay sa ngayon.
(3) Care packages para sa iba pang sektor at essential workers gaya ng mga garbage collectors, checkpoint personnel, atbp. Kasado na ang pagkilos ng LP Malabon Chapter upang makapagpamigay ng food packs para sa mga nagbabantay ng checkpoint. Makipag-ugnayan sa LP Headquarters kung gusto makuha ang mga detalye ng kanilang proyekto, para magawa itong gabay sa sari-sarili ninyong mga inisyatiba.
Kung may iba pa kayong proyektong nais i-implement sa inyong mga area, basta’t ligtas ito at alinsunod sa ating mga batayang prinsipyo at nakatuon sa COVID-19 response para sa kapwa natin Pilipino, hinihimok ko kayong magsimula na. Malayo ang mararating ng anumang pagkilos, lalo na sa panahong ito.
Ididiin ko: It goes without saying that we must observe proper safety protocols at all times, mga kasama. Hangga’t maaari, idaan natin sa online channels ang pag-o-organisa. Sa pagtulong, huwag sana nating pabayaan ang ating mga sarili.
Isa pang direktiba: Bagaman naka-work from home ang ating HQ, patuloy ang pag-coordinate at daloy ng impormasyon na pinamumunuan ng ating masisipag na staff. Ipaalam lamang ang anumang nakikitang pangangailangan ng inyong chapter o komunidad, at gagawin namin ang lahat ng aming makakaya upang matulungan kayo ng Partido, o ng iba pang mga galing sa pribadong sektor o kagawaran ng pamahalaan na mas angkop at may kakayahang tumugon.
Lumilinaw sa krisis na ito: Hindi na dapat pinagdedebatehan ang mga isyung matagal na nating pinaglalaban. Tamang pasahod, seguridad sa trabaho, karapatan ng manggagawa, libre at tiyak na pagpapagamot para sa lahat — mga isyu itong alam natin nasa panig ng tama at ng buhay, laban sa mali at kamatayan. Patuloy ang pagdidiin natin nito — sa social media, sa mga Zoom conference, sa mga pahayag, proyekto, at mga batas na isinusulong ng ating liderato, at sa pakikiugnay natin sa ating mga komunidad.
Ididiin ko rin: Mayroon tayong liderato at national HQ, pero tayo — tayong lahat, kasama ang inyong mga chapter, ang Partido. Tayong lahat ang inaasahang magsadiwa ng ating mga batayang prinsipyo. Simulan ang pag-uusap at pagpaplano; ilatag ang mga inisyatiba; ipatupad ito sa bandila ng liberalism — na siyang bandila ng malasakit, ng tapang sa harap ng krisis, ng linaw ng paninindigan; na siyang bandila ng Pilipinas na kumakalinga sa nangangailangan. Tayo, kayo mismo ang Partido Liberal ng Pilipinas. Lipad, mga kasama, lipad.”