Call of Sen. Kiko Pangilinan in face of Vietnam halt of rice exports

ON MEDIA QUESTIONS RE VIETNAM STOPPING RICE EXPORTS DUE TO COVID-19

Buy high from Filipino rice farmers, prepare for G2G rice purchase: Pangilinan

Wala pang COVID-19, hirap na ang rice industry dahil sa Rice Tariffication Act. Mabilis na bumaha ng imported rice, mabilis na bumagsak ang lokal na presyo ng palay, mabilis na nawalan ng kita ang magpapalay pero mabagal na napaabot ang tulong na matagal na nilang kailangan.

Sa kagyat, kailangang bilhin na sa mataas na presyo ang ani ng ating magpapalay. Sa pamamagitan nito, malalagyan ng pera ang kanilang mga bulsa at makakapagtanim ulit sila. Kapag binili natin sa magandang presyo ang ani ng mga magpapalay natin, ma-e-encourage ang mga rice farmers natin na magtanim uli ng palay. Marami na kasi ang nag-shift sa ibang pananim kaya bumababa ang production natin.

Kailangan na ring maghanda ang pamahalaan sa government-to-government rice purchase sa Thailand, Myanmar, India, at Pakistan.

Gaya noong panahon namin sa Office of the Presidential Adviser on Food Security and Agricultural Modernization, dapat ding:

(1) Puksain ang rice smuggling, hoarding, at iba pang pagsasamantala sa panahon ng krisis. Maging bukás (transparent) ang mga transaksyon. Papanagutin ang gumagawa ng krimen.

(2) Pausbungin ang pagpapalay. Siguruhin ng DA na makapagpatuloy sa pagsasaka ang mga magsasaka natin at bigyan sila ng sapat at agarang ayuda (pataba, makinarya, kaalamang pinansyal, atbp). Tulungang makapagpatayo ng maraming kooperatiba para mapagtibay ang bayanihan sa industriyang sakahan.