We extend our warm wishes to Muslims in the Philippines and around the world as they celebrate Eid’l Fitr.
The last month has been a time of fasting, service, introspection, and spiritual renewal. We welcome completion of Ramadan with fresh hopes, in the same way as we look forward to the realization of our dream for lasting peace, self-determination, and prosperous life for all.
May the lessons of Ramadan remind us to remain steadfast in the pursuit of our goals as a nation, fortified by the common values that unite us in our humanity and reinforced by the obligations that people of all faiths have on one another.
We wish our Muslim brothers and sisters a blessed and joyous celebration. Eid Mubarak!
**
Ipinapaabot natin ang mainit na pagbati sa mga Muslim sa Pilipinas at sa buong mundo habang ipinagdiriwang nila ang Eid’l Fitr.
Ang lumipas na buwan ay panahon ng pag-aayuno, pagseserbisyo, introspeksyon, at ispiritwal na pagbabago. Ikinalulugod natin ang pagtatapos ng Ramadan na may panibagong pag-asa, tulad ng pag-asa natin na maisakatuparan ang ating pangarap para sa pangmatagalang kapayapaan, malayang pagpapasiya para sa sarili, at maunlad na buhay para sa lahat.
Nawa’y ipaalala sa atin ng mga aral ng Ramadan na manatiling matatag sa pagtupad ng ating mga layunin bilang bayan, na pinapatibay ng ating mga paniniwalang nagbubuklod sa atin bilang tao at pinalalakas ng mga obligasyon natin sa isa’t isa, anuman ang ating pananampalataya.
Binabati natin ang ating mga kapatid na Muslim ng isang mapagpala at maligayang pagdiriwang. Eid Mubarak!