In these times of deception, treachery, and lies, we look back with great longing at a noble leader and statesman the country has been blessed to have.
Ka Jovy was a public servant who spoke about his country with obvious passion and dedication. He served his people with integrity, honesty, and rationality, always choosing country before self. Always, despite how difficult it was to choose the right path, he went with what was good and stuck to it with a firmness of commitment we dearly miss nowadays.
As we remember his second death anniversary today, we yearn for his spirit to guide our present politicians and government officials. We hope and pray for more people to be like Ka Jovy: headstrong in his convictions, gentle with his nation’s soul, a true guardian of the best possible future for his country.
—
Sa mga panahong tulad ngayon na napupuno ng panlilinlang, pagtatraydor, at pagsisinungaling, malungkot tayong nagbabalik-tanaw sa isang magiting at marangal na lider na ipinagkaloob sa ating bansa.
Naglingkod si Ka Jovy nang may tunay na pagsinta at dedikasyon sa bansa. Pinaglingkuran niya ang sambayanang Pilipino nang may dangal, katapatan, at may katwiran, na laging pinipili ang bayan bago sarili. Hanggang sa huli, kahit gaano kahirap piliin ang tamang daan, ito ang kanyang tinahak at pinanindigan nang may tibay ng loob na ating hanap-hanap ngayon.
Sa paggunita natin sa ikalawang anibersaryo ng kanyang pagkamatay ngayon, umaasa tayong gagabayan niya ang ating mga pulitiko at opisyal ng gobyerno. Umaasa at nananalangin tayo na mas marami pa ang tumulad kay Ka Jovy: matatag sa kanyang mga pananalig, magiliw sa diwa ng kanyang bayan, tunay na tagapagtanggol ng pinakamabuti at pinakamatingkad na kinabukasan para sa kanyang bayan.