Another local executive in Luzon and two more in Mindanao were killed today even before authorities can provide the lead to the killing of two mayors earlier this week. The warehouse of suspected drug lord Peter Lim in Cebu was bombed on Thursday.
What is going on? Are these deliberate and orchestrated attempts at creating an atmosphere of lawlessness to justify strongman rule?
A swift, sure, and lawful move by the PNP to bring the killers behind bars is what the public awaits. At the same time, the police must ensure visibility, especially in key critical areas to prevent another bloody incident.
What we want is a safe, secure, and peaceful society, not a gangster land.
**
Isa na namang local executive sa Luzon at dalawa pa sa Mindanao ang pinatay kanina, kahit wala pang ibinibigay na mga lead ang awtoridad sa pagpatay sa dalawang mayor ngayong linggo. Binomba ang bodega sa Cebu ng pinaghihinalaang drug lord na si Peter Lim noong Huwebes.
Ano’ng nangyayari? Sinadya at pinlano ba ang mga ito para magkaroon ng pakiramdam ng kaguluhan at bigyang-katwiran ang diktadurya?
Ang hinihintay ng taumbayan ay isang hakbang na mabilis, sigurado, at naaayon sa batas mula sa PNP para makulong ang mga salarin. Kailangan ding siguraduhin ng pulis na sila ay nakikita, lalo na sa mga kritikal na lugar para maiwasan ang isa pang madugong insidente.
Gusto namin ng ligtas at payapang lipunan, hindi bayan ng masasamang-loob.