Statement of Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, Partido Liberal president and former Presidential Assistant on Food Security and Agricultural Modernization, on rice crisis in Zamboanga City

First things first: Fire the top management of NFA.

I am afraid the rice crisis in Zamboanga City today is a combination of both corruption and incompetence by top government officials in cahoots with wealthy private players in the rice industry taking advantage of the rising prices to profit handsomely. Powerful and influential forces both in and out of government are making a killing in manipulating both the availability of NFA rice stocks in particular, and the rice importation and procurement processes in general.

The rice crisis in Zamboanga is proof that the reforms we put in place from 2014 to 2016 have been overturned by greed, incompetence, and corruption.

When I stepped in as NFA chair in 2014, rice inflation was at 15 percent due to a mismanaged rice supply situation. One year later, it was down to 0.8 percent (less than 1 percent). To make sure that our people enjoy enough cheap, quality NFA rice supply, the next NFA administration must:

1. Ensure cheap and good quality NFA rice is available in the market, and not diverted and re-bagged.

Hold the NFA bureaucracy as well as unscrupulous traders to account for their acts. We filed cases against both NFA managers in Bicol, Pampanga, Iloilo, and Surigao and private rice traders there to stop the diversion. We also increased supply of NFA rice by 78 percent in NCR within a two-week period to dissuade private traders from keeping prices up.

2. Put in place an NFA Council-led open, transparent, and discretion-free government-to-government rice importation process.

This saw the NFA Council rejecting bid offers for the first time in its over 40-year history, saving the government an average of $120 dollars per metric ton from 2014 to 2016 compared to 2010 to 2014.

3. Buy low, plan well.

Average annual import to meet local production shortfall is between 1.2 to 1.7 million metric tons. Buying low signals the rest of the market to buy low as well, thereby preventing higher retail prices. Be 10 steps ahead.

Buying ahead of time, we were able to avoid being dictated upon by market forces. Procurement was done 3 to 6 months before the intended delivery date when rice prices in the international market were lower.

So, even as we congratulate Hidilyn Diaz, the Filipina who won the country’s first gold medal in the 2018 Asian Games, we call for a Senate investigation into the first state of calamity declared in her hometown Zamboanga City due to high rice prices.

How can a rice shortage happen in the land of plenty under the first Mindanaoan president? For prices to shoot up to over 70 pesos a kilo, is the shortage real? Is it hoarding? How did the rice situation in Zamboanga City reach calamity level? Who are responsible? What can be done to resolve the shortage? These are just some of the questions we want answered in a Senate investigation into this gut issue that threatens to affect every Filipino.

**

Una sa lahat: Palitan ang top management ng NFA.

Ang krisis sa bigas sa Zamboanga City ngayon ay kombinasyon ng korapsyon at incompetence ng mga matataas na government official at kasabwat ang mayayamang pribadong manlalaro sa industriya ng bigas na sinasamantala ang pagtaas ng presyo ng bigas para tiba-tiba ang kita. Makapangyarihan at ma-impluwensyang pwersa sa loob at labas ng gobyerno ang kumikita sa pagmanipula ng availability ng NFA rice, sa partikular, at sa pag-import at pagbili ng bigas, sa kabuuan.

Ang krisis sa bigas sa Zamboanga ay patunay na ang mga repormang inilagay natin 2014-2016 ay itinumba na ng kasakiman, incompetence, at korapsyon.

Nang maging NFA chair ako noong 2014, labinlimang porsyento (15%) ang rice inflation dahil sa balahurang pamamahala sa bigas. Pagkaraan ng isang taon, bumaba na ito sa 0.8 porsyento (mababa pa sa 1 porsyento). Para mapakinabangan ng ating kababayan ang sapat na mura at kalidad na NFA rice, ang susunod na NFA administration ay dapat:

1. Siguruhin na meron sa palengke ng mura at de-kalidad na NFA rice, at hindi nililihis at ni-re-rebag.

Papanagutin ang burukrasya ng NFA pati na ang mga masibang mangangalakal sa mga gawaing ito. Kinasuhan natin ang mga dating NFA manager ng Bicol, Pampanga, Iloilo, at Surigao, maging ang ilang pribadong mangangalakal ng bigas para wakasan ang ganitong pag-re-rebag. Dinamihan din natin ang supply ng NFA rice nang 78 porsyento sa NCR sa loob ng dalawang linggo para mapigilan ang mga private traders sa pagtaas ng presyo ng bigas.

2. Ipatupad ang isang bukas at discretion-free na goverment-to-government na importasyon ng bigas na pinangungunahan ng NFA Council.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng higit-40-taong kasaysayan ng NFA, nasaksihan ang pagtanggi ng NFA Council sa mga bid offers. Dahil dito, nakatipid ang gobyerno ng halos $120 dollars kada tonelada mula 2014 hanggang 2016, kumpara sa 2010 hanggang 2014.

3. Bumili nang mababa, magplano nang maayos.

Mga 1.2 hanggang 1.7 milyong tonelada ang average import ang kailangan taon-taon para matugunan ang kakulangan sa lokal na produksyon. Kapag bumili nang mababa, nagpapahiwatig tayo sa merkado na bumili nang mababa. Dahil dito, napipigilan ang pagtaas ng presyo. Laging mauna ng 10 hakbang.

Dahil sa pagbili nang maaga, nagawa nating iwasan na madiktahan tayo ng pwersa ng merkado. Bumili tayo nang 3 hanggang 6 na buwan bago ang takdang araw ng delivery habang ang presyo ng bigas sa pandaigdigang merkado ay mas mababa.

Kaya habang binabati natin si Hidiliyn Diaz, ang Pilipinang nag-uwi ng kauna-unahang gintong medalya ngayong 2018 Asian Games, nananawagan tayo ng isang Senate investigation sa kauna-unahan ring deklarasyon ng state of calamity sa kanyang bayang Zamboanga City dahil sa mataas na presyo ng bigas.

Paano nagkaroon ng kakulangan sa bigas ang masaganang lupain ng Mindanao sa ilalim ng kauna-unahang pangulo mula rito? Upang pumalo ang presyo ng halos lampas 70 pesos bawat kilo, totoo bang kulang ang suplay? Meron bang hoarding? Bakit umabot sa calamity-level ang kalagayan ng suplay ng bigas sa Zamboanga? Sino ang mga dapat managot? Ano ang mga dapat gawin upang maibsan ang kakulangan?

Ilan lamang ito sa mga katanunangang nais naming malaman ang sagot sa pamamagitan ng isang Senate investigation, lalo pa’t ang isyung ito ay malapit sa bituka na maaaring makaapekto sa bawat Pilipino.