We assail the arrest of Sister Patricia Fox, the 71-year-old Australian nun who was taken by immigration agents from her house in Quezon City yesterday, April 16.
The arrest came a day after Giacomo Filibeck, an Italian official of the European Union’s Socialist Party was barred from attending a local conference and deported for being in the Bureau of Immigration’s blacklist.
The emerging trend on crackdown against foreign activists in the country is alarming as exhibited by the harassment and casual arrests of the two human rights advocates, who were not even in protest activities or rallies when taken into custody.
These incidents will trigger more questions on what the government is trying to conceal.
**
Tinututulan natin ang pagkaaresto kay Sister Patricia Fox, ang 71 taong gulang na madreng Australiana na dinakip ng mga immigration agent sa kanyang bahay sa Quezon City kahapon, April 16.
Nangyari ang pag-aresto isang araw matapos pagbawalang dumalo sa isang local conference si Giacomo Filibeck, isang Italian official ng Socialist Party ng European Union, at pina-deport dahil kabilang siya sa blacklist ng Bureau of Immigration.
Nakakabahala ang nagiging kalakaran sa pagtugis sa mga dayuhang aktibista sa bansa na pinakita sa panggigipit at kaswal na pag-aresto sa dalawang human rights advocates, na wala naman sa kahit anung kilos-protesta o rally noong sila ay dinakip.
Magdudulot lamang ng mas maraming katanungan ang insidenteng ito sa kung ano ang nais itago ng pamahalaan.