The cat is out of the bag on who’s behind the bold moves of pork barrel scam queen Janet Lim Napoles in securing protection from the Department of Justice.
No less than her lawyer, Stephen David, told the court that her request for transfer from the BJMP to the DOJ was upon the suggestion of Executive Secretary Salvador Medialdea and Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
What prompted these top officials to reach out to an alleged mastermind of a multi-billion-peso scam? Who sanctioned this? Malacanang’s statement that the President is taking a hands-off stance on this appears not to jibe with the actions of his top executives.
Bakit pag mahirap na suspek, patay agad, pero pag mayamang may kapit, pro-proteksyunan pa ng estado? Tama ba yan?
The wheels of justice have started on the case of Napoles. The government must pursue her criminal prosecution, instead of using the people’s money to give her refuge and protection through the Witness Protection Program. To do so would be a great mockery of justice.
—
Lumitaw na kung sino talaga ang nasa likod ni pork barrel scam queen na si Janet Lim Naples sa kanyang paghingi ng proteksyon mula sa Department of Justice.
Ayon na mismo sa kanyang abugado na si Stephen David, ang kanilang paghiling sa korte na mailipat si Napoles mula sa BJMP patungong DOJ ay bunsod ng mungkahi ni Executive Secretary Salvador Medialdea at Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Ano ang nag-udyok sa mga opisyal na ito para tulungan ang pinaghihinalaang utak ng isang multi-billion-pero scam? Sino ang nagtulak nito? Ang pahayag ng Malacanang na hindi nakikialam ang Presidente sa isyung ito ay parang hindi tugma sa kinikilos ng kanyang top executives.
Bakit pag mahirap na suspek, patay agad, pero pag mayamang may kapit, pro-proteksyunan pa ng estado? Tama ba yan?
Nagsimula nang umandar ang kaso ni Napoles. Dapat ituloy ng gobyerno ang prosekyusyon sa kanya sa halip na gamitin nito ang pera ng taumbayan para bigyan siya ng kanlugan at proteksyon sa pamamagitan ng Witness Protection Program. Pambabastos sa katarungan ito.