Sa halip na gumawa ng paraan para maprotektahan ang ating mga mangingisda, matamlay na naman ang posisyon ng administrasyong Duterte ukol sa panggigipit at pagnanakaw ng Chinese coast guard.
Ang malala pa rito, tila ginagamit ang makinarya ng gobyerno sa mga bayarang Internet troll laban sa mga kaawa-awang mangingisda ng Zambales, na nagdaan sa isang nakapanlulumong karanasan.
Para tawaging sinungaling at bayarang troll ang mga mangingisdang ito ay isang bagay na hindi makatuwiran. Isang kahig, isang tuka lamang ang pamumuhay ng mga mangingisda sa ating bansa na halos di makatanggap ng tulong mula sa gobyerno.
Inabuso na nga ng mga Tsino sa karagatan, iniwang walang huli, at ngayon binabanatan ng sariling makinaryang pang-propaganda ng pamahalaan, wala nang aasahan pa ang mga mangingisdang Pilipino mula sa administrasyong salat sa kagandahang asal, na pinamumunuan ng Presidente at ng kanyang tagapagsalita na si Harry Roque na kapwa panatiko ng China.
Malinaw na nilabag ng China ang patakaran sa tradisyunal na lugar ng pangisdaan. Hindi dapat ipakita ng administrasyong Duterte na kayang-kaya lang ito at dapat umaksyon para maprotektahan ang interes ng mga Pilipinong mangingisda.
**
Instead of taking action to protect our fishermen, the Duterte administration is taking an apathetic stance anew on the harassment and theft by Chinese coast guard.
Worse, government-sponsored troll machinery appears to be being used against these hapless fishermen of Zambales who had gone through a harrowing experience.
For these fishermen to be called liars and paid hacks by Internet trolls is something so outrageous.
Fishermen in the country live a hand-to-mouth existence with little help from the government.
Abused by the Chinese in the high seas, left without their catch and now attacked by their own government’s propaganda machinery, these Filipino fishermen can expect nothing from a morally bankrupt administration, led by the President and his spokesman, Harry Roque, who are both China fanatics.
It’s clear that China violated the rules in the traditional fishing grounds. The Duterte administration should show it is not a pushover and take action to protect the interest of the Filipino fishermen.